Chapter V: She became his maid

2350 Words
Nang sumunod na araw ay nagtatalo parin ang isip ni Cash habang patungo sa mansion ng mga Martinez. Hindi parin kasi matanggap ng mataas niyang pride na magiging katulong siya, lalo ng mayamang tulad ni Anthony. Somehow, she was hoping that one day, she will meet a man exactly like him who will sweep her off her feet. Agad niyang pinalis ang sentemyento sa isip nang makapasok siya sa loob ng gate. Matagal na niyang ginive-up ang fairytale fantasy niya. Inabutan niya si Anthony sa sala na mukhang paalis na. Hindi niya napigilang pasadahan ang kabuuan nito. Nakasuot ang lalaki ng suite na lalong nagpalutang sa dominanteng aura nito. Hindi lang ito basta gwapo at matangkad, he was also intimidating. Tough looking sa kabila ng naka-executive suite. Walang reaksyon muling ibinalik ang mata sa mukha ni Anthony. “Pumapayag na ako. Basta kung ano yung usapan natin, ganoon na iyon, wala ng madadagdag pa. In three weeks I will be your maid." Gustong umikot ng mata niya as she spoke the words. Tatlong lingo. Magiging katulong siya ni Anthony sa loob ng dalawampu at isang araw. Iisipin nalang niyang makakatulong siya sa love story ng dalawa bukod sa benifits na makukuha niya. “You made the right decision.” Ngumiti ito habang inaayos ang suot na tie. "And one thing Ms. Ordonez, do you have another name aside from the one you gave me?" "Why?Is there something wrong with my name?" takang tanong niya. Yung iba nga gustong-gustong banggitin ang pangalan niya. Cash. Hindi ito sumagot, but instead wait for his question to be answered. So dominating! Sigaw ng isip pero pinasundan naman niya ng sagot. "It's Cassandra. Pero kung hindi ikakasama ng loob mo. Please call me Cash. Most people prefer to call me by that name." He nodded at dinampot ang naka-patong na attache case sa minister Bentley sofa na ikinalaki ng mga mata ni Cash kanina. "Then it's a done deal. You can start tomorrow. You can find your way out, I have a trial today, I’m in a hurry." "Wait.” Pigil niya rito. “I have my class tomorrow." Pag-bibigay alam niya. "You're still studying?" gulat na tanong ni Anthony na napakunot-noo. No wonder the girl looks young. "Ahm no, I'm a pre-school teacher." Nahihiyang sabi niya. "You can laugh, hindi ako mao-offend.” Pilit siyang ngumiti. Sanay na siya sa mga taong tumatawa kapag sinasabi niya ang trabaho. Dahil siguro malayo sa personality niya ang maging teacher, lalo na ng mga bata. "Then come here after your class. Siguro naman ay half-day ka lang." Tumango si Cash bilang sagot. "Ibibilin ko nalang kay Val na papasukin ka pagdating mo bukas, coz I might not be here." "S-Seryoso ka hindi ka talaga tatawa?" at sinuri ang gwapong mukha ng binata. "There is nothing funny about it." Lalong nangunot ang noo nito at nang maalalang nagmamadali ito ay napa-mura sa sarili. “I really have to go. See you around.” Tumalikod na si Anthony at nagtungo sa pinto. "Thank you" habol ni Cash bago tuluyang lumapat ang pinto pasara. Naiwan siyang nangingiti bago bigyan ng huling sulyap ang elegante at nakamamanghang receiving area ng mansion bago tumulak paalis. Tulad ng napag-usapan, pagkatapos ng klase ay dumiretso na siya sa bahay ng mga Martinez. Agad niyang inumpisahan ang maglinis .All she have to do is to clean Anthony's room and cook his meal. Saka na siya aalis dahil magtutuloy pa siya sa ospital pagka-galing niya doon. Wala na itong magagawa kung nakaalis na siya dahil hindi nito alam kung saan siya nakatira. “Masinop daw sa gamit ha?" Nakataas ang kilay na iginala ni Cash ang paningin sa loob ng kwarto ni Anthony. Sinimulan niyang pulutin isa-isa ang nagkalat na damit ng binata. Basta nalang ba ito naghuhubad at iniiwanan ang pinagbihisan. Pati sa loob ng banyo ay nagkalat ang mga tuwalya. Ibinabad niya muna ang toilet bowl at bath tub sa hindi niya kilalang cleaning product na bigay ni Val. May English instruction naman sa lalagyan kaya hindi siya nangiming gamitin saka sinimulang tanggalin ang kurtina at sapin ng kama. Pinagpatong-patong ni Cash ang mga libro at mga papeles sa tokador ng aksidenteng mahulog ang isang notebook at mahagip ng mata ang nilalaman. Schedule ni Anthony sa susunod na mg araw. Kung saan at sino ang kikitain nito. Itinklop niya iyon at ibinalik sa lalagyan. Ang sabi ni Ariella ay magmasid lang siya hindi ang mag-leak ng impormasyong makikita niya. Dahil nahihirapang kumilos ay hinubad ni Cash ang uniform. Nakasuot naman siya ng sando sa loob. Saka wala naman siyang kasama sa loob ng bahay, maliban sa binatang si Val na natanaw niya mula sa bintana ng kwarto ni Anthony na nasa bakuran at naglilipat ng mga paso.. Nag-vacuum na rin siya sa buong silid. "Ano kaya yun?" takang tanong ni Cash sa sarili nang may masilip sa silong ng kama. Ipinasok niya ang kamay at pilit na inabot ang bagay na nakita. It was a piece of cloth, she felt nang abutin iyon. Tuwang-tuwa niyang iniladlad sa mukha ng tuluyang makuha. It was a brief. Yes Anthony's brief. Parang napasong naitapon niya ang kapirasong tela. Tulalang tinitigan ang kamay. Kung naisuot na ng binata ang underwear, ay para na rin niyang nahawakan ang 'junjun' nito. She felt her cheek burned. At lumitaw pa ang imahe ng lalaki nang una niyang nakita ito sa swimming pool. Anthony was almost naked that time maliban sa kapirasong tela upang takpan ang 'kayamanan' nito. Ano kayang pakiramdam ang mayakap ng matitipunong braso nito. At para namang tuksong lumitaw sa isip ang imahe ng half-naked na binata. They are both in swimming pool. She was wearing a skimpy two piece swimsuit at nararamdaman niya ang mumunting balahibo sa dibdib ng binata na kumikiliti sa kanyang katawan ng yakapin siya nito. Ilang sandali pa ay unti-unting bumaba ang labi ni Anthony sa kanya. Lalo siyang namula sa likot ng imahinasyon. Ipiniling-piling ang ulo para matanggal ang kung anong masamang espiritu na sumasapi sa kanya at bigla niyang pinagnasaan ang lalaki. "Hoy Cash ang gross mo!” suwata niya sa sarili. “Ano ba yang pumapasok sa utak mo at kung anu-anong naiisip mo." sermon niya sa sarili. Nag-sign of the cross siya at humingi ng dispensa sa nagawa. Nagkasala pa rin siya kahit sabihing sa isip lang iyon. Pagkatapos bumulong ng panalangin ay dali-dali siyang nagtatakbo sa banyo at naghugas ng kamay. Napatitig siya sa salamin. She was blushing to her shock. See, hindi naman siya frigid na tulad ng sabi ni Franc. May sense of feeling din siya, siguro hindi lang talaga kaya ng dating kasintahang gisingin ang s****l emotions niya. At si Anthony kaya niya? Oh, well kahit sino namang babae ay maaatract sa kakisigan nito. Napabuntong-hininga siya at muling ipinagpatuloy ang paglilinis. She was almost finish nang maalalang wala siyang pamalit sa bed sheet at kurtina Nakalimutan niyang itanung kay Val kanina kung saan pwedeng kumuha. Binuhat niya ang lalagyan ng maruming damit ng binata upang dalhin sa laundry room. Saka hahanapin ang binatilyo upang itanong kung saan siya maaaring kumuha ng pamalit. Nasa gitna na siya ng sala nang may maramdamang kumilos sa likuran. Lumingon siya at nanlaki ang mata nang makita ang isang hindi kilalang lalaki. The man was gripping a baseball bat. "Who are you?" maotoridad nitong tanong. Nakataas ang kamay nito na tila handing ihampas sa kanya ang hawak sa isang maling kilos ni Cash. Hindi magawang sumagot ni Cash sa pagka-bigla. Napalunok nalang siya dahil sa nakikitang paniningkit ng mata ng lalaki. "Sino ka at sino ang nagpapasok sayo dito?" Ulit ni Aaron as he tightly gripped the baseball bat. Wala itong balak ipalo ang hawak sa kaharap. Gusto lang takutin ang estranghero in case na may masama itong balak. But the woman got stunned. "Kuya Aaron." Si Anthony na kasalukuyang papasok mula sa pinto ay nagulat sa dinatnang eksena. "Cassandra!" baling niya sa dalaga na nabitawan ang dalang laundry basket nang makita siya. Inilang hakbang ng binata ang distansya nila at pinulot ang nakitang coat na nasa sahig. Itinakip ito sa natitigilang si Cash bago humarap sa kapatid. “Is she your girlfriend?” magkasalubong ang kilay na tanong ni Aaron sa kapatid. "Kuya I'll explain about it later." At binigyan ng isang makahulugang tingin ang kapatid. Nakakunot parin ang noo ni Aaron pero ibinaba na ang hawak na baseball bat. Naiiling na tinalikuran ang dalawa at umakyat sa hagdan. Nasundan nalang ni Cash ng tingin ang papalayong binata. Hindi naman siya talaga natakot, nagulat lang siya. Hindi naman kasi ito nakakatakot, actually gwapo nga ang lalaking tinawag na Aaron. "Cassandra, are you okay?" may bahid ng pag-aalala ng tinig ng binata. Napatingin siya sa kaharap. "H-Huh? " "I said are you okay? Bakit ka nakatulala?" And then Anthony gently stroke her face. Naramdaman ni Cash ang init ng palad nito. Cash wanted to say something, pero walang salitang lumabas sa labi niya. Her lips was slightly parted. Si Anthony na nakatitig pa rin kay Cash ay gustong manuyo ang lalamunan and he could feel his manhood rising. Those pouting and seductive lips na parang nanunukso sa binata. s**t! He was acting like a hungry teenager na sinusunggaban ang unang babaeng makita. Lumayo siya ng bahagya kay Cash. At nilangkapan ang tinig ng galit upang pagtakpan ang nararamdaman. " What do you think you are doing? At bakit ganyan ang suot mo? I have three brothers at lahat ay umuuwi rito. Nilalagay mo ang sarili mo sa alanganing sitwasyon sa dahil sa suot mo." Nakaramdam ng bahagyang galit si Cash sa ginamit na tono ng binata. "I clean your room for almost half a day and I am very tired. Tapos dumating ang kuya mo na may hawak na bat. I got scared and now you..." Hindi niya maituloy ang sasabihin. Parang umakyat ang lahat ng dugo sa ulo dahil sa sermon nito. It’s not as if she’s walaking around naked para sabihin nito iyun. Unless mga manyak ang sinasabing mga kapatid nito. Huminga siya ng malalim and blow her bangs. "You know what Anthony, I don't think I deserve your anger. Hindi kasama sa usapan natin ang gawin niyo akong buntunan ng mga galit niyo. " ani ni Cash na lumuhod upang damputin ang naglaglagang damit ng binata. Yumuko ito upang tulungan siya. "What are you going to do with my clothes?" Tumikwas ang kilay ni Cash sa tanong nito. "Obvious ba di lalabhan ko, alangan naman na lulutuin ko?" pamimilosopo niya. "b***h" Bulong ni Anthony na naningkit ang mata sa inasal ng dalaga. Tumayo ito at umakyat ng hagdan. Nasundan ni Cash ng tingin ang binata. “Problema mo?” gigil niyang pinagpatuloy ang ginagawa. Naroon ang pagnanais na umalis na. Pero nasa kwarto ng binata ang mga gamit. Hindi siya makakaalis ng hindi niya makikita ang binata. Pilit niyang kinalma ang sarili para matapos niya ang gawain at nang makalais na siya. That night, she had met Anthony's three handsome and gorgeous brothers. Agad niyang nakagaanan ng loob si Arthur sa pagiging easy-going nito. Aaron apologized for scaring her. At si Andrew naman ay pinasalamat siya for lending a helping hand. Isa-isang binukalkal ni Cash ang laman ng may kalakihang kahon sa ibabaw ng kama, I-diniliver daw ng isang lalaki para sa kanya kanina bago siya dumating. Galing kay Anthony. Ocean blue halter dress at isang kahon na naglalaman ng stilletto at silver pouch ang bumungad sa kanya. Ngunit ang nagpawindang sa kanya ay ang kahon ng jewelry set. Sabay-sabay napasinghap ang baklang nakapaligid sa kanya nang tumambad ang kumikinang na alahas. Alam ni Cash na hindi biro ang halaga niyon knowing na galing iyon kay Anthony. Well, nakapag-research na rin naman siya tungkol sa mga Martinez. And they were really filthy rich. "Ang galante naman ni Hombre" bulalas ni Arnie. Sinundan niya ng tingin ang itinaas ni Eva na dress at manghang isinayaw-sayaw iyon. " Ang bonga ng beauty mo vaklah at nahuli mo agad ang puso ni fafanez." Nang makabawi sa kabiglaan ay tinabig niya ang kamay ni Arnie na akmang hahawakan ang kwintas. Well, napakaganda kasi niyon at parang inaakit ang sinomang hawakan ito. Pero pinanatili niya ang katinuhan. Hindi niya alam kung ano ang gustong mangyari ng binata. Saktong tumunog ang cellphone niya. Numero lang ang rumihistro pero sinagot parin niya. "Hello???" "Cassandra?" Umikot ang mga mata nang makilala ang nasa kabilang linya. Who else?. "Yes?" "Have you received my package?" Dumako ang mata sa nasa kama. "Yes." "I want you to wear that tonight. I'll meet you at the house. Be ready at six at wag kana munang maglinis sa bahay. I want you fresh." Diretsong litanya nito. Kumunot ang noo niya. "S-Saan mo ko dadalhin?" Itinaas niya ang kamay ng lumapit si Jeffie, Biglang lumukso ang puso niya sa ideyang pumasok sa isip. curiousity ang nasa mukha. "And how did you know my number?" Wala siyang natatandaang ibinigay niya ang numero rito. "No more questions for now Cassandra just do what I’ve said."maotoridad na sabi nito. Umakyat ang dugo sa ulo niya dahil sa pagiging bossy nito. "Teka lang. Parang wala sa usapan natin ang ganito. Kahit ang totoong katulong hindi trabaho ang sumama kung saang chuvaness ng amo niya."paalala niya rito. Bumuntong-hininga ito. "I know. Im just asking you this as a favor. I don’t have any rights at all. Pero nagbakasakali lang ako." Bahagya siyang nanibago sa tinig nito. Where’s the bossy Anthony. Biglang lumabot ang puso niya. "S-Saan mo ba ako kasi dadalhin." "I need a companion. I'm going to party." "Hindi ka ba pwedeng pumunta mag-isa???" "No." "I'm not in the mood to attend the party. I have a lot of things to do." Pagdadahilan niya. Samantala, ang mga kasama niyang bakla ay sabay-sabay na umiling. Nakita pa niya si Arnie na sumenyas na 'party, gorah na.' "Try me, Cassandra. I have a few things to do. I'll meet you at the house by six sharp." Bago pa makatutol ay pinutol na nito ang tawag. "Arrgg, ang yabang mo talaga." Gigil na sigaw niya sa cellphone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD