At pagkatapos ng matagal na pakikipagtalo sa mga bakla ay na-kumbinsi rin siya ng mga itong sundin ang gusto ni Anthony.
“Vaklah, baka maka-bingwit ka ng fafa doon. Kaya wag ka ng sumimangot diyan at pumapangit ang aking obra.” Complained ni Arnie na siyang nag-volunter na ayusan siya gamit ang mga mamahaling make-up na pinaka-tago-tago ni Dodie sa tokador nito.
“Oo nga naman, Cash.” Singit ni Eva. “Kung hindi mo mabingwit si fafa Anthony, eh baka siya ang maging daan para makahanap kana ng bagong pag-ibig.”
Napabuntong-hininga si Cash sa kakulitan ng mga kaibigan. “Oo na, eto na nga pupunta na diba.” Napapailing na turan niya para matapos na ang mga ito sa pagda-doll up sa kanya at nang maka-alis na siya.
Kaya naman suot ang mga pinadala ni Anthony, minus the jewelry, hindi niya kayang suotin ang mamahalang bagay na iyon, ay nagpunta na siya sa bahay ng mga Martinez.
At ang pisting binatang iyon pinaghintay pa siya. Alas sais pasado na. Sa kawalan ng magagawa ay tumayo si Cash mula sa mamahalaing sofa at tinitigan ang painting ng mag-asawang Martinez. Kamukha ni Anthony ang ama nito except sa matang namana sa ina.
Lumipat ang mga mata sa litratong naka-display sa baba ng painting. Isa-isang sinuri ang mga iyon hanggang sa matapat siya sa larawan ni Anthony. Iginala niya ang paningin at nang matantong walang ibang tao sa paligid ay inabot niya ito upang masilayang mabuti.
Those wide cheeks, heavy brow and strong jaw of a cheater, attached to the sweet warmth of trustworthy dark eyes. Gumuhit ang ngiti sa labi niya nang pasadahan ng kamay niya ang mapupulang labi ng nasa larawan. "So perfectly handsome." Bulong niya. Tulad ng mga napapanood niya sa mga pelikula. Ni sa hinagap ay hindi niya akalaing makakaharap niya ang isang tulad nito. A real prince charming. Kung pwede lang siyang mangarap.
Kung noon sana. Noong bata pa siya at hindi pa niya alam ang realidad.
Ibinalik niya ang hawak at tumingalang muli sa katabing painting ng mag-asawa, ang painting ng magkakapatid. Nakaupo sa isang silya ang bunso na si Angela. Jealousy filled her heart. Napakaswerte nito. Sa likod ng upuan ay nakatayo ang panganay na si Aaron. Nakasandal naman sa magkabilang panig sina Andrew at Anthony. Samantalang nasa lapag si Arthur. They are all smiling and happiness reflects their eyes.
Napakagaling ng pintor na gumawa at kuhang-kuha niya ang mga ito. Their important features, at higit sa lahat ay ang feelings na nakapaloob sa mga mata ng mga ito.
Ang magkakapatid na Martinez na walang itulak-kabigin. Pare-parehong good catch in many different ways. And they had one similarity, marahil ay trademark ng mga ito na talagang nangingibabaw. Their eyes. Dark eyes na kasing-dilim ng uwak. Bahagya siyang umatras upang makita ang kabuuan ng mga larawan. A perfect family. At iyan ang wala siya bukod sa kayamanang tinatamasa ng mga ito.
Hindi niya namalayang napayakap siya sa sarili dahil bigla siyang nakaramdam ng ginaw. Buong buhay niya’y hindi niya kinwestyon ang katotohanang iyon. No matter how good her mamu to her, o kahit ng mga ibang baklang kumupkop sa kanya, hindi pa rin maalis ang katotohanang wala siyang sariling pamilya. And that’s separate her from the rest of them. Ang pinaka-dahilan kung bakit tiannggal niya sa isip ang mangarap ng isang fairytale love story. Dahil sa totoong buhay, importante ang family background ng isang tao. Iyun ang inaasahan at kinatatkutan niyang tanong ng pamilya ng mapapangasawa niya balang-araw. Hindi naman kasi lahat ay makakaintindi ang kalagayn ng taong kumopkop sa kanya at ng community na kinabibilangan niya.
Hindi namalayan ni Cash na kusang tumulo ang ilang butil ng luha sa mga mata niya. Dali-dali niyang pinunasan iyon ng makarinig ng busina mula sa garahe. Humugot siya ng malalim na hininga at kinalma ang sarili. Sana ay hindi nabura ang make-up niya.
Napaunat siya ng tayo nang bumukas ang pinto at pumasok si Arthur. Dumako ang mata nito sa kanya at sandaling napahinto sa pagpasok. Kumislap ang mata nito pagka-kita sa kanya at hindi napagilang mapa-WOW. Dahan-dahan itong naglakad palapit sa kanya.
Arthur is also handsome, but his features lack the sheer male beauty of Anthony's. O dahil puro ito biro at kalokohan kaya hindi niya napapansin ang male aura nito. His appeal was more approachable tulad ng agad itong napalagay sa kanya noong una itong makilala. While Anthony was so physically attractive that Cash's pulse raced with pure nervousness whenever she see him. He conducted with an air of natural confidence that was commanding to say the least.
"Look at that. Kung alam ko lang na may magandang naghihintay sakin sana'y kanina pa ako umuwi." Tumaas ang kilay ni Cash sa tinuran nito. "Saan ang lakad natin huh?"
Inirapan niya ito. "Huwag mo na ngang sirain pa ang sira ko ng gabi." Nilampasan niya ito at naupo sa sofa.
Humalakhak ito ng may pagka-aliw at sumunod sa kanya. "Well, parang alam ko na ang rason kung bakit nagiging tigre ka nanaman. Late ang date mo no?" Kantiyaw nito habang nangingiti.
Tinignan niya ito ng masama.
"Oops, hindi para sakin yan ah." He laughed and threw up his hands in surrender.
Magsasalita pa sana siya nang muling bumukas ang pinto. "Arthur ung susi...." Hindi naituloy ni Anthony ang sasabihin nang makita siya.
Hindi niya alam kung maiinsulto siya o matutuwa sa gulat na nakarehistro sa mata nito. "You’re here" anitong lumapit sa kanya.
Galit siyang tumayo at namewang. Rumihistro ang pagkamangha sa mukha nito nang lalong masilayan ang kabuuan niya.At bakit hindi. Thanks sa choice of dress nito dahil hubog na hubog ang katawan niya from top to her waist. Pabagsak kasi ang tela ng dress sa lower part. Yun nga lang above the knee ang cut niyon kaya kita parin ang magaganda niyang binti.
Anthony cleared his throat. "I’m sorry I'm late."
Sumeryoso siya. "Ano ang mas mahirap? Umasa ka na mahalin ng taong mahal mo? O subukan mong mahalin yung nagmamahal sayo? Pareho diba. Pero alam mo mas mahirap, yung maghintay sa taong hindi alam na may naghihintay sa kanya."
Sandali itong natigilan. "What?" Naguguluhang tanong nito na ikinalalim ng gatla sa makinis nitong noo.
Natakpan niya ang bibig at napabungisngis. "Syempre joke yun. Ang tagal mo kasi. Anong oras na kaya, may pa sharp sharp na six pm kapang nalalaman diyan, paghihinatyin mo lang pala ako. Nalanta na ako’t lahat dito wala ka pa rin."
Napabunghalit ng tawa ang nakamasid na si Arthur. "That’s so funny Cash. Akala ko kung anong dram mo.” Pakiki-join ni Arthur na naki-appear pa sa kanya.
“Ano pwede na bang artista?”She grinned.
Arthur gave her a wink.
Anthony cleared his throat at hindi napigilang dumilim ang mukha sa nakikitang katuwaan ng dalawa. Hindi naman niya intensyong paghintay ang dalaga. The truth is, hindi niya inaasahang susundin siya nito. Cassandra is pigheaded. Mataas an pride sa kabila ng halatang hindi ito lumaki samarangyang pamilya. But still kind-hearted. Isa ito sa mga taong mabilis napalapit kay Val. Knowing that teenager boy, very aloof ito kahit sa ibang madalas maging bisita ng mag-anak. "You seems ready. But there’s somethings missing."
Kumunot ang noo ni Cash na napahinto sa pagtawa. Missing? Feeling nga niya ay bonganess na ang ayos niya.
“Where’s the jewelry that I sent you?"
"Oh, oo nga pala." Dinampot ni Cash sa sofa ang ang dalang paperbag at inabot sa binata. "I can’t wear them."
Lalong dumilim ang mukha ng kaharap.
"Oh-oh time to go. Bye." Paalam ni Arthur at mataktikangt umakyat sa hagdan.
Hindi pinansin ni Anthony ang kapatid at hinarap si Cash. "What do you mean you can’t wear it?"
"Well, it’s not mine so I dont want to use it." Tinalikuran niya ito at naglakad paputa sa likod ng sofa. Hindi niya gusto ang reaksyon sa mukha ni Anthony, though alam niyang hidni siya sasaktan physically. Kailangan niyang humawak at baka bumigay ang tuhod niya. Bakit kasi kahit galit ito ay patuloy parin sa pagsuyod ng mata nito sa kabuuan niya. "Hindi ko ugaling magsuot ng hindi sakin."
"Then it’s yours."
Nagulat siya at nilingon kung nagbibiro ito. Seryoso ang mukha ng mokong. "A-Are you serious?"
"If that can make you wear it then it’s yours." Matabang nitong sabi.
"You’re crazy." Napailing-iling siya.
"What did you say?"
"Wala. Sabi ko bakit ba kasi gusto mong suotin ko yan." She rolled her eyes secretly. Bakit ba napa-komplikado ng lalaking ito.
"It fits your dress. That's all."
Napailing-iling siya. Kinuha niya rito ang paperbag at inilabas ang kahon. Binuksan iyon at muling tumambad ang mamahaling alahas. Kumislap ang mga diyamante niyon ng itaas niya at tamaan ng ilaw. "Okay, susuotin ko to pero ibabalik ko lang din sayo pagkatapos. Deal???" Para hindi na sila magdiskusyon at baka tuluyang masira ang gabi niya.
Tumango ito at unti-unting naglaho ang pagdidilim ng mukha nito.
Humarap siya sa salamin at inumpisahang ilagay ang hikaw. Napakaganda ng mga iyon sa tenga niya. Sunod ang kwintas.
"Allow me" Naging maagap ang binata.
Hindi namalayan ni Cash na nasa tabi na niya ito. Kinuha ang kwintas mula sa kamay niya at pagkatapos ay pumwesto sa likod. Mula sa malayo ay aakalain ninumang makakakita na nakayakap sa kanya ang binata.
Napalunok siya at napigil ang paghinga. Kusang tumaas ang kamay at hinawakan ang pendant. "T-Totoo ba ang mga ito."
"This 24-carat oval-shaped necklace has oval links that end with sapphire at each point, making it an extremely unique piece. Yes, Cassandra, they are certainly not a figment of your imagination."
Napasinghap siya. Pakiramdam niya ay mas domoble pa ang bigat niyon dahil sa nalaman. Na anumang oras ay may magtatangkang hiklasin yun mula sa leeg niya. "Kung tunay ang mga ito. ..hindi ba nakakatakot na gamitin ko? Hindi ba dapat nasa bank vaults ang mga ito." She said worriedly.
"Ano ang silbi ng mamahaling alahas kung ang safe vaults lang ang makikinabang."
Nag-angat siya ng paningin at mula sa reflection ng salamin ay nasalubong niya ang mga mata nito. His eyes dark and intense as he gazed at her. Nakita niyang ang panganib sa mga mata nito ay unti-unting naglaho. And then he smiled at her.
She blinked twice. He smiled. Totoong ngiti. At gumawa iyon ng maliit na linya sa sulok ng mga mata nito. She couldn’t attribute the sudden weakness that she felt on her knees to his smile.
Mula nang makilala niya ang binata ay nagkaroon na siya ng interes na basahin ang anumang artcles na isinusulat tungkol sa mga ito. Mula sa success business ng mag-asawang Martinez hangang sa bunsong kapatid na babae na isang modelo. Very unusual sa kanya na dating walang pakialam sa mga tulad nitong nasa mataas na lipunan. Hindi dahil sa naaattract siya rito kundi gusto niyang malaman ang anumang impormasyon tungkol sa mga taong maari niyang makasalamuha sa mga susunod na araw.
Tumaas ang kamay nito at ang mga daliri'y banayad na humaplos sa gilid ng leeg niya. Napaigtad ang dalaga as he spoked next. "Other woman would have given anything to wear those diamonds tonight. But I guess you're not another woman. Let’s go. Its getting late." Inabot ang kamay niya at iginiya siya palabas ng bahay.