It was already past seven ayun sa wall clock pero hindi pa rin tapos si Cash sa pagluluto. Anthony asked her to cook for tonight's dinner instead of cleaning his room. Para sa babaeng bisita nito siguro. Umasim ang mukha niya nang maalala ang tungkol sa babae. Kanina pa ang dalawa sa kwarto ng binata pero hindi pa rin bumababa ang mga ito. Bigyan ko kaya ng maraming sili itong pagkain nila, ewan ko lang kung hindi magtitili ang malanding babaeng iyon sa anghang naisip niya. Umaalimpuyos ang galit sa dibdib ng dalaga. Tulad ng ulan sa labas ng bahay. "Woahh! who is this hot chick in the kitchen." Arthur exclaimed as he entered and walked towards her. "Mukhang masarap yan ah." komento nito at inilapit ang mukha sa niluluto upang lalong masamyo ang aroma. "Pahingi naman ako niyan." Tangkan

