Nang sumunod na araw ay no choice si Cash kundi maglakad mula sa entrance ng subdivision hanggang sa mansion ng mga Martinez. Mataman siyang naglalakad sa kalsada nang hintuan siya ng pamilyar na sasakyan. Agad gumuhit ang ngiti sa labi ng dalaga nang bumaba ang bintana at sumungaw ang gwapong mukhan ni Anthony "Hop in, Cassandra. "Yes sir!"sumaludo siya at puno ng buhay ang tinig. Sumakay siya sa bandang likod ng kotse. Ngunit dagling nawala ang ngiti sa labi nang makita ang isang babae na nakasakay sa passenger seat. Tipid niyang tinanguan ito nang aksidenteng magtama ang mata nila sa rearview mirror. "You should come and see for yourself, Anthony." Maya-maya'y malamyos na sabi ng babae. Marahil ay may pinag-uusapan ang mga ito bago siya hintuan ng binata. "Are you sure its safe?" Na

