CHAPTER 19

1805 Words

"ANO nga palang ginagawa mo rito? May bahay ka rito sa Milan?" Tanong ni Kaia kay Liam habang nagda drive ito patungo sa hotel na pag i-stay-an niya. "Kasama ako ni Zale sa business trip niya. Isa rin kasi ako sa mga investor ng company niya." Sagot nito sa kanya. "Ikaw? Bakit gusto mong makausap si Zale?" "Dinemanda kasi ako ng siraulong yon." Inis na sabi niya. Kumukulo talaga ang dugo niya pag naiisip niya ang natanggap niyang subpoena kanina. "Talaga palang tinuloy niya ang pag dedemanda sayo. Ang akala namin ay tatakutin ka lang niya." Sabi nito habang busy pdin sa pagmamaneho. "Ewan ko ba doon sa kaibigan niyong iyon. Nagkasundo na kaming dalawa na hindi na niya ako idedemanda pa kung magiging taga silbi niya ako ng tatlong buwan. Pero ang kutong lupang iyon, Pabago bago ng isip.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD