MASAMA ang tingin ni Zale kay Kaia at Liam habang abala ang dalawa sa pagku-kwentuhan. Nasa iisang sasakyan lang sila dahil pauwi na sila ng Pilipinas ngayong araw. Isang araw lang naman ng inilagi nila sa Milan dahil mabilis lang naman ang naging transaction nila. Tuloy na tuloy na ang expansion ng Elizondo Realty Estate sa Europe. Pag uwi nila sa Pilipinas ay agad aasikasuhin nila ang mga dapat gawin para sa expansion. Magiging busy na naman siya. Narinig niyang malakas na natawa si Liam joke na sinabi ni Kaia. Lalong nag init ang ulo niya. Si Liam ay katabi ng driver, siya naman at si Kaia ay magkatabi sa passenger seat sa likod. Ilang araw nang kumukulo ang dugo niya kay Liam dahil parang close na close ito kay Kaia. Ang babae naman na ito ay parang tuwang tuwa pa sa pakikipag usap ka

