"HIMALA at nakasama ka namin ngayon." Sabi ni Bryzon kay Zale na abalang sumisimsim ng wine. "Anong meron Zale?" Nasa yate sila ngayon ni Bryzon. Kasama niya si Liam, Bryzon at Kean. Parehas nasa business trip naman sila Xander at Izaiah. Kaya hindi nila kasama ang dalawa. Dito sila nagtatambay sa yate ni Bryzon pag gusto nila ng tahimik na lugar. Kung sa bar kasi niya ay baka sumakit lang ang mga ulo nila dahil sa ingay. "I'm bored." Simpleng sabi niya. "Bored? I heard sa madaldal na ito." Itinuro nito ang katabing si Kean. "Na kinukulit mo daw si Kaia na kababata ni Izaiah you kept on calling her at Magkasama daw kayong umalis ng restaurant yesterday, is that true?" Muling sabi ni Bryzon Tiningnan niya ng matalim si Kean na nakangisi lang sa kanya. Kahit kailan talaga ay napaka

