"SIR, these are the documents that you need to sign." Inilapag ni Alesandra ang mga papeles na hawak nito sa table ni Zale. "Okay, you can go now." Sabi niya dito at binalingan na ang mga documents na ibinigay nito. "Sige sir." Tumalikod na ito at tuluyan ng lumabas ng private office niya. Kakabalik pa lang niya sa opisina niya dahil katatapos niya lang um-attend sa meeting para sa itatayong bagong private subdivision ng company niya. Ilang linggo na siyang busy sa pagtatrabaho. Bukod kasi sa bagong itatayo na private subdivision ng company niya ay abala din siya sa mga business trips para sa expansion ng Elizondo Realty Estate. Noong nakaraang linggo ay nasa Macau siya. Next week naman ay pupunta siya ng Millan. Matagal ng may branch doon ang company niya pero may mga possible investo

