"KAIA, pinapatawag ka ni Ms. Alesandra." Napaangat ang tingin ni Kaia sa Department head nila na si Dona. Kasalukyang inaayos niya ang mga design na ipinasa ng mga architect upang ma-review. "Ano bang kailangan sayyo ni Ms. Alesandra at lagi ka niyang pinapatawag nitong mga nakaraang araw?" Takang tanong pa nito sa kanya. "Nagpapaalalay lang siya sa akin dahil marami siyang gawain na natambak." Palusot niya rito. "Magkaibigan na ba kayong dalawa?" Tanong nitong muli. Tumango siya. "Mabait si Ms. Alesandra kaya naging magkaibigan kami agad." Sagot niya "Ang bilis mong nakapalagayan ng loob si Ms. alesandra ahh. Sige na, pumunta ka na sa kanya at baka importante ang ipag-uutos niya niya sayo." Sabi nito at bumalik na sa sa pwesto nito. Syempre palabas lang ni Ms. Alesandra iyon dahi

