NAKAYUKO habang takip-takip ni Kaia ang bag sa mukha niya. Kasalukuyan siyang nag aabang na bumaba ang elevator. Hindi maaring magkita sila ni Zale sa first day niya at baka mabulilyaso pa.
"Good morning!"
"Ay kabayo!" Gulat na sambit niya.
Nagulat siya nang may biglang bumati sa kanya. Lumingon siya upang malaman kung sino ang hudyo na iyon at sinalubong siya ng nakangiting mukha ni Sophie, ang taga HR na umasikaso ng kontrata niya last week.
"Sorry, hindi ko alam na magugulatin ka pala." Hinging paumanhin naman nito. "Bakit nga pala tinatakpan mo ang mukha mo ng bag? may tinataguan ka ba?"
Unti-unti niyang ibinaba ang bag na hawak niya. "Ahm.. Nahihiya lang kasi ako. Alam mo na, first day of work." 'Sige Kaia, galingan mo pang magsinungaling.' Sambit na lang niya sa sarili.
Luminga linga siya. Mukha namang safe siya dahil kakaunti palang ang napasok sa company sa mga na iyon oras. Nakuwento ni Caite sa kanya na madalas daw late ang mga may-ari ng kompanya. Kaya malaki ang tyansang hindi sila magkita ni Zale ngayon.
"Pupunta ka na ba ng HR para sa ID mo?" muling tanong nito sa kanya.
Sasagot na sana siya nang may tanawin sa likod si Sophie. Natulos naman siya sa kinatatayuan nang batiin nito iyon.
"Good morning sir Renzale" Siniko pa siya nito at bumulong. "Bumati ka, nasa likod mo ang big boss ng company natin."
'Anong nang gagawin mo Kaia?' Tanong niya sa isip. Pinaglalaruan talaga siya ng tadhana. Kung kailan naman iniiwasan niyang makita ang lalaking ito ay saka naman nagpapakita ito. Paano siya babati dito nang hindi siya nito namumukhaan?
Humarap siya nang nakayuko rito habang itinakip niyang muli ang bag sa mukha niya. "Good morning po sir" Pagkatapos niyang bumati ay agad din naman siyang tumalikod rito upang hindi na nito makita pa ang mukha niya. Nang lingunin niya si Sophie ay hindi maipita ang mukha nito.
"Sorry sir, bago lang siya, kaya nahihiya pa." Sabi nito sa lalaki.
"Turuan mo siya ng mga rules and regulations ng company. ayokong mag tanggal ng mga bagong empleyado na walang alam." Sabi ni Zale.
Napalunok naman siya. Mukhang malupit talaga itong lalaking to. Kailangan niya talagang mag ingat.
Maya-maya ay tumunog na ang elevator at bumukas iyon. Agad namang pumasok si Zale kasama ang sa tingin niya ay sekretarya nito. Itinakip niyang muli ang bag na hawak sa mukha niya. Naisip niyang paunahin na ang mga ito. Sa susunod na elevator nalang siya sasakay. Pero nang papasara na iyon ay tinawag siya ni Sophie.
"Kaia, hindi ka ba sasabay? Hindi ba pupunta ka ng HR?" Tanong nito habang hinaharangan nito ang pinto ng elevator.
'Shet naman!' Bakit pa kailangan tawagin siya nito sa pangalan niya?
Sinilip niya ang mga ito habang hindi pa rin inaalis ang bag na nakatakip sa mukha niya. Napakagat labi siya nang makitang nakakunot na ang noo ni Zale. Kailangan na niyang sumakay ng elevator dahil baka iyon pa ang maging dahilan nang pagkatanggal niya sa trabaho.
Nakayuko siyang sumakay ng elevator. Hinihiling niya na sana ay makarating na agad sila sa palapag kung nasaan ang HR dahil hindi niya kayang matagalan ang prisensya ni Zale sa elevator na iyon.
Naramdaman niyang lumapit sa kanya si Sophie. "Anong nangyayari sayo?" Pabulong na tanong nito sa kanya.
Kibit balikat lang ang tinugon niya rito. Hindi naman niya maaaring sabihin ang dahilan kung bakit siya nagkakaganoon. Dahil baka ito pa ang magsuplong sa kanya pag nagkataon.
Nang tumunog ang elevator ay akmang lalabas na siya sa pag aakalang iyon na ang palapag ng HR department.
"Excuse me." Sabi niya sa mga nakaharang sa daraanan niya sa tapat ng elevator.
"Kaia!"
Narinig niyang tawag muli ni Sophie sa pangalan niya. Bakit ba tawag ito nang tawag sa pangalan niya? Nilingon niya ito ngunit gaya kanina ay nakaharang pa din sa mukha niya ang bag na hawak niya.
"Anong ginagawa mo? hindi ba sa HR department ang punta mo? Para sa Accounting Department ang palapag na ito. Nasa 10th floor palang tayo."
'Anak ng pitongpu't pitong tupa naman oh!' Hiyaw niya sa isip.
Agad naman siyang bumalik sa puwesto, katabi si Sophie. "Pasensya na, akala ko ay nasa 12th floor na tayo." Paghinging paumanhin niya. Tumango naman ito. Pero nasulyapan niya si Zale na nakatingin sa kanya. Nakilala na kaya siya nito? Sana naman ay hindi.
Napaurong siya nang nagsipasukan ang mga empleyadong nag aabang sa labas ng elevator. nagitgit siya ng mga ito kaya lalo siyang napaurong hanggang mapadikit siya sa kung sino .Aksidenteng pang dumikit ang labi niya sa dibdib ito. Mabuti na lang at nakasuper stay lipstick siya kung hindi ay tiyak na namantyahan na ang suot na business suit ng kaharap niya ngayon.
"Sor-" Hindi niya naituloy ang paghingi ng paumanhin nang magtama ang mga mata nila ng lalaking kaharap niya. Dahil ang nagigitgit niya pala, ay walang iba kung hindi si Zale. Mabilis yumuko at hindi na nagsalita pa.
"Hindi ko alam na natanggap na pala ang company ko ng mga taong walang galang." Malumanay ngunit alam niyang may ibig sabihin ang mga binitawan nitong salita. Ngunit hindi na niya iyon inintindi pa. Saka niya nalang haharapin ang galit nito.
Nang bumukas muli ang elevator ay hinila na siya ni Sophie. "Sir, mauuna na po kami." Binalingan siya nito. "Tara na." Sabi nito habang hinihila siya palabas ng elevator.
"Ano bang pinagagawa mo?" Tanong nito nang makalabas ng elevator."Just make sure there is a good reason why you behaved the way you did earlier." Sabi nito at nagtungo na sa silid kung nasaan ang HR Department.
pagdating nila sa HR ay agad siyang pinakuhanan ng larawan ni sophie, sa marahil ay photographer ng kompanya. Matapos siyang kuhanan ng litrato para sa company ID niya ay prin-int na rin agad iyon ni Sophie at ibinigay sa kanya.
"Now that you already have your ID, Pumunta naman tayo sa magiging department mo." Tumayo ito sa kinauupuan. "Follow me." Sumunod naman siya agad dito. Sumakay sila ng elevator dahil ang Creative Department ay nasa 7th floor pala.
Tahimik lang sila habang nakasakay sa elevator. Kaya naisipan niyang magtanong kay Sophie.
"Matagal kana ba rito.?"
Sinulyapan naman siyang nito. "4 years na akong nagtatrabaho rito." Sagot nito.
"Wow! ang tagal mo na pala rito."
"Magtatagal ka naman talaga sa company na ito dahil sa sweldo at benefits. kailangan mo lang patunayan na nararapat ka sa company na ito. Kaya ikaw." Binalingan siya nito. "Ayusin mo ang pakikitungo mo lalo na kay sir Renzale. Nakita kona kung gaano siya kalupit. Maswerte kapa ngayon dahil mukhang maganda ang mood niya. Kung hindi ay marahil tanggal kana ngayon."
Napalunok siya, kung maganda na ang mood nito ngayon, paano na lang kung badtrip ito? Iniisip palang niya ay na i-stress na siya. Dapat talaga ay hindi na muling mag krus ang landas nila.
"Gaano mo kadalas nakakasalamuha si Za- este si sir Renzale?" Tanong niya rito. Muntik pa siyang madulas.
Nag isip ito. "Sa 4 years ko dito ay pitong beses ko palang siyang nakikitang naglalamyerda dito sa company at ngayon ang pang pito."
"Talaga?" Tumango ito. Kung ganoon ay maari na siyang huminga ng maluwag dahil hindi naman pala sila muli pang magkikita.
"This is the Creative Department." Sabi ni Sophie nang makarating sila sa 7th floor. ang buong floor na iyon ay sa buong creative department lamang.
Inilibot niya ang paningin sa floor na iyon. may mga nakikita siyang nagdedesenyo ng miniture house. Marahil ay iyon ang mga prospect design ng bawat village na hawak ng company nila.
"Sumunod ka sa akin." Sabi ni Sophie at tinungo ang Isang babae na sa tingin niya ay nasa mid thirties na ang edad. Agad naman siyang sumunod dito.
"Hi Ms. Dona!" Masiglang bati ni Sophie dito.
Napalingon ang babeng busy sa pagtingin ng mga desenyo ng bahay. "Sophie."
"This is Kaia Ramirez. Siya ang bago niyong magiging assistant dito." Binalingan naman siya ni Sophie. "Kaia, this is Dona. She is the department head. Siya ang magtuturo sayo ng mga dapat mong malaman dito sa department na ito." Binalingan nitong muli si Dona. "Ikaw na ang bahala kay Kaia. Pakituruan ng mga rules and regulation ng company at baka bumingo na iyan kay sir Renzale. Maiwan ko na kayo." Sabi nito at tuluyan na silang iniwan.
"Nice to meet you ma'am Dona." Sabi niya dito ng maiwan silang dalawa.
"don't call me ma'am. Masyadong pormal at nakakatanda. You can just call me Dona. lahat kami rito ay first name basis. Hindi uso dito ang pormal."
Dinala siya nito sa isang bakanteng lamesa malapit sa tabi nito. "Ito ang magiging table mo." Nakangiting sabi nito.
Mukhang mag eenjoy siya rito.
-----
"YOU have a meeting with Mr. Romualdez later at 10am, 1pm you have a meeting with the board of directors.." Alesadra, his secretary, is currenty reading his schedule for today. But his attention was not there.
Natawag ang pansin niya ng bagong empleyado na nakasabay nila sa elevator. Hindi niya alam pero naalala niya ang kababata ni Izaiah sa babaeng iyon. The two even happened to have the same name. He thought the name Kaia was unique, but now he knows two persons named Kaia and also they even have the same posture, hair, complexion and eyes? Is that all a coincidence?
"Alesandra." Tawag niya nang pansin sa sekretarya niya.
"Yes sir?"
"Do you know which department that Kaia, is assigned to?" Tanong niya rito.
Kumunot noo nito. "Kaia?"
"Yong nakasabay natin kanina sa elevator." Paalala niya rito.
"Oh.." Tumango tango pa ito.
"Don't give me that look. May kakilala lang akong nagkataong kapangalan niya. I'm just curious." He said with a boring tone.
"Well, I don't have records of her yet because she was just hired last week. do you want me to get her records?" Makahulugang tanong ni alesandra sa kanya.
Hindi niya gusto ang tono nito. Sa tingin niya ay iniisip talaga nito na interesado siya sa babaeng iyon. "Nevermind." He replied briefly and turned his attention back on signing the papers that he needed to sign. He had no time for her allegations.
"If you say so sir. I will go back to my desk. just call me if you need anything." Tumango lang siya at tuluyan na itong lumabas sa private office niya.
Napailing nalang siya. Hindi niya talaga gustong iniintriga siya. He's not interested in that girl, he's just curious, that's different.
Naputol ang pag iisip niya nang tumunog ang cellphone niya. He looked at the screen of his cellphone to find out who was calling him, It's Bryzon.
"Hey bro." Bungad nito sa kabilang linya.
"Why are you calling Bryzon?" Tanong niya rito.
"I just want to remind you about my house warming party tomorrow. You need to be there." Sabi nito sa kanya.
"It's just a house warming party. Why would I need to be there?" He ask him. He does't like parties.
Pumalatak ito. "Because it's also my birthday party, you idiot."
'Oo nga pala.' "Okay I'll be there." He ended the call.
Among his friends, ito ang pinaka mahilig sa party. Minsan at tinatakasan na niya ang mga party nito. Pero hindi sa pagkakataong ito dahil iyon ang birthday nito. Importnte iyon kay Bryzon.
May narinig siyang kumatok sa pinto at iniluwa non ay si Alesandra.
"Sir, I just need to give you this." May inabot itong folder.
"what's this?" takang tanong niya rito.
"You'll find out." Sabi nito at lumabas na sa opisina niya.
Creative Department team? Bakit naman kaya ibinigay iyon ni Alesandra sa kanya? Binuklat niya iyon at tiningnan ang laman. Ano naman ang gagawin niya sa mga lakagay rito? Profile information lang naman iyon ng mga nasa Creative Department. But when he was on the last page, he suddenly stopped. Unlike the other profiles of the employees there, she doesn't have a photo yet, but he sees enough to have an interest in her profile information. He read carefully what was written there.
NAME: KAIA RAMIREZ
AGE: 25 YRS OLD
POSITION: CREATIVE ASSISTANT
Napakunot ang noo niya sa nabasa. 'Kaia Ramirez?' Even her last name is similar to Izaiah's childhood friend? Napaka imposible naman yata non.
Isa lang ang paraan upang makasigurado siya sa hinala niya. Tumayo siya at kinuha ang cellphone niya. Lumabas siya sa private office niya.
"Sir, where are you going?" Tanong sa kanya ni alesandra.
"Magpapahangin lang ako." Sabi niya rito at nagtungo sa elevator. Pero hindi talaga sa rooftop ang punta niya. Kung hindi sa 7th floor. Pinindot niya ang button na number 7. Kailangan niyang malaman kung totoo ang kutob niya.
Nang makarating siya sa 7th floor ay agad niyang hinanap ang pakay niya. Hindi siya nagpakita sa mga tao roon. He didn't want them to be intimidated because of him. So from a distance he looked at the woman who was busy photocopying the papers she was holding. Hindi niya makita ang mukha nito dahil naka talikod ito sa kanya. Kaya nakaisip siya ng isa pang paraan. Din-ial niya ang phone number ng kilala niyang Kaia Ramirez.
Ilang saglit lang nag ring iyon at kitang-kita niya kung paano sinagot ng babaing nagpappo photo copy ang tawag niya.
"Hello?"
He ended the call immediately. Now he was sure. Ang Kaia Ramirez na empleyado niya at ang Kaia ramirez na kababata ni Izaiah ay iisa.