CHAPTER 6

1173 Words
"GOOD morning Kai." Bati ni Caite sa kanya habang kumakain si Kaia ng almusal sa sala mg bahay. "Good morning Caite. Aalis kana? kumain ka muna" Sabi niya rito dahil nakaayos na ito. "Oo, may mga report pa akong dapat tapusin, sa office na lang ako mag aalmusal . Hindi ka ba sasabay sa akin?" tanong nito habang nagsusuot ng sapatos. Umiling siya. "Hindi na, maaga pa naman. Mag iingat ka na lang pagdadrive mo ah." Paalala niya rito. "Okay sige aalis na ako. Ikaw na ang bahala rito ah." Dinampot na nito ang bag at lumabas na ng bahay. Lumabas siya upang isara ang gate. Kumaway pa sa kanya si Caite bago tuluyang nagdrive paalis. Papasok na sana siya sa bahay nang may makita siya pamilyar na sasakyan sa gilid ng daanan malapit sa bahay nila. Nagdesisyon siyang lapitan iyon. Sinilip niya ang bintana sa driver seat at hindi nga siya nagkamali. Dahil nakita niya natutulog sa loob ng sasakyan si Izaiah. "Anong ginagawa ng lalaking to dito?" Kinatok niya ang bintana niyon. Agad naman nagising ang binata at binuksan ang pinto ng sasakyan ng makita siya nito sa labas. "Good morning Kai." Bati nito sa kanya nang makababa sa sasakyan nito. Napansin niyang parang puyat ito. Mahaba din ang bigote nito. Mukhang na stress ito dahil sa nangyaring aksidente sa construction site ng hotel nito. "Anong ginagawa mo rito?" Kunot noong tanong niya. "Ah right." Tumalima ito at binuksan ang passenger seat ng sasakyan at may kinuha. "Here, I forgot to return this to you, sorry." Tiningnan niya ang hawak nito. Iyon pala ang clutch bag niya na tinangay nito nang bigla itong umalis at iniwan siya sa bar. Tinanggap niya naman iyon kahit masama ang loob niya. "Pasensya na kung ngayon ko lang naibalik. Naging busy lang talaga ako sa company." Sumimangot siya. Alam niyang reasonable naman ang pag iwan nito sa kanya. Ang kaso dahil sa pag-iwan nito ay nagka-utang siya ng malaki sa Zale na iyon. At ang gusto nitong kabayaran ay ang puri niya! Pagkahatid sa kanya ng lalaki ay tinanong niyang muli kung ano ba talaga ang gusto nito. Naisip kasi niya na baka nabibingi lang siya dahil sa mga nangyari pero ang sabi lang ng walang hiyang Zale na iyon ay malalaman na lang niya. Ngayon tuloy ay na i-stress na siya kakaisip. Paano kung puri nga niya ang gusto ng lalaki? dahil bukod sa pag gas-gas niya sa sasakyan nito ay naantala din niya ang mainit na gabi nito? Hindi pwede iyon, magpapakulong na lang siya. 'Kahit napaka gwapo niya Kaia?' Sambit ng malanding isip niya. Ipinilig niya ang ulo. Hindi, kahit pa gwapo siya.Kahit mas gwapo pa ito kay Keanu Reeves at Tom Cruise ay hindi siya papayag. Walang makakakuha ng puri niya. Over her dead body! Hinawakan ni Izaiah ang kamay niya. "Sorry na talaga. Hindi ko naman gustong iwan ka, kaso something came up. At kinailangan ako sa construction site. Maraming nasugatan sa aksidente kaya nagmadali na akong pumunta roon." Bumuntong hininga siya. Valid naman ang reason nito. "Okay lang, wala naman akong magagawa. Naayos na ba ang problema niyo sa construction site?" Tumango ang lalaki. "Yes, everything is under control. Napirmahan ko na lahat ng papeles sa financial assistance na kailangan ng mga nasugatan. Kahit papano ay thankful pa rin kami dahil kahit grabe ang naging aksidente ay wala naman namatay." "Mabuti naman kung ganun. At least mapapanatag na ang kalooban mo." Tiningnan siya nito. "Papasok kana ba? Ihahatid na kita sa trabaho mo." Suggestion nito. " Hindi na, umuwi ka na lang at magpahinga. Mukhang pagod ka na." Na stress talaga ito sa nangyari na aksidente. "Ihahatid na muna kita tapos uuwi na din ako. Para kahit papaano ay makabawi naman ako sayo." Makulit talaga ang lalaking to. "Okay sige, dito ka lang. Kukunin ko lang ang bag ko." Tumalima na siya. Alam naman niyang magpupumilit lang si Izaiah kung tatanggi pa siya. Hahaba lang ang diskusyon nila. Kaya pumayag na lang siya. Pagpasok niya sa bahay ay agad siyang nagtungo sa kwarto at kinuha niya ang cellphone sa clutch bag niya. Kinuha niya rin ang bag na pampasok niya. Inayos niya muna ang kabahayan bago siya tuluyang lumabas ng bahay at i-lock iyon. "Nag almusal kana ba? Gusto mo mag breakfast muna tayo?" Tanong ni Izaiah nang makasakay siya sa kotse nito. "Kumain na ako." Sagot niya habang nag kinakabit ang seatbelt. "Sigurado ka? Pwede tayong dumaan sa restaurant bago kita ihatid." Paninigurado nito. "Hindi na, tapos na nga akong kumain." "Okay sabi mo eh. By the way, Zale ask me for your phone number. May atraso ba siya sayo?" 'It's the other way around.' "Ahm may pinag usapan lang kami. T-tungkol sa mga bagay-bagay." 'Katulad ng pag gas-gas ko sa kotse niya.' "Anong sinabi niya sayo?" "Wala naman. Hiningi niya lang ang phone number mo. Binigay ko sa kanya ang phone number mo pero sabi ko sa kanya. If he really wants to talk to you, dapat kausapin ka niya ng personal." Tumango tango siya. "Kung sakali naman na may problema ay sasabihin mo sa akin, right?" "Ahm oo naman. Don't worry may kailangan lang talaga kaming pag usapan." Pero wala siyang balak sabihin ang ginawa niyang krimen dito. Ayaw naman niyang masali pa ito sa mga gulo sa buhay niya. Siya nalang ang bahalang lumutas non. Pero sa ngayon, mag iisip muna siya ng ibang paraan para mabayaran ang pag kakautang niya sa Zale na iyon. Hindi niya talaga pwedeng ibigay ang puri niya. Sana ay hindi na muna sila magkita ni Zale. Wala pa siyang plan B. "Saan nga pala kita ihahatid?" Nilingon siya nito habang nagdadrive. "Sa Elizondo Realty Estate." Simpleng sabi niya. "Doon ka nagtatrabaho?" Nilingon niya ito. "Oo, Noong nagkita tayo doon ay yun din ang interview ko at nakapasa ako. Ngayon ang first day ko. Bakit?" Nagtataka siya sa naging reaksyon nito. "Alam mo ba kung sino ang may-ari ng company na iyon?" Muling tanong nito. Kumunot na ang noo niya. Ano ba talaga ang alam nito? "Ang alam ko lang isa sa mga big boss ng company na iyon ay Renzale ang pangalan pero hindi ko pa siya nakikita." "Hindi ba pamilyar sayo ang pangalang Renzale?" "Wala naman akong kilalang Renzale." Nagtatakang tanong sabi niya. "Well, Renzale Elizondo ang full name ni Zale." Nanatiling nakakunot ang noo niya. Pilit niyang iniintindi ang sinasabi nito. Hanggang may pumasok sa isip niya. "D-don't tell me, si Zale na kaibigan mo ang may-ari ng company na iyon?" 'Please, Don't say it.' Lihim niyang dalangin. Dahil kung ang Zale nga na iyon ang may-ari ng company na pagtatrabahuhan niya ay siguradong lagot na siya. Wala siyang takas pag nagkataon or worst ay baka tanggalin siya nito sa trabaho! "Okay, I won't." Sabi nito at nagpatuloy sa pag dadrive. Samantalang siya ay hindi makapaniwala. Bakit sa dinami-rami ng magiging boss niya ay ang lalaki pang iyon? Talaga bang sinusubok siya ng pagkakataon? Alam kaya ni Zale na empleyado siya nito? 'Okay, I'm really dead.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD