"HEY, wake up."
Nagising si Kaia ng maramdaman niyang may yumuyugyog sa balikat niya. Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata at nakita niyang nakatayo si Zale sa harap niya. As usual ay mukhang badtrip na naman ito.
Kinusot niya muna ang mga mata bago tuluyang umayos ng upo. Nakatulog na pala sa siya kakaantay sa lalaki.
"Nandito kana pala."
"Get up, aalis na tayo." Sabi nito at aakmang lalabas ng kwarto.
"T-teka lang, okay lang naman kung hindi mo ako maihahatid." Sabi niya rito. Bukod kasi sa ayaw niya sa ugali ni Zale ay hindi rin siya mapakali na makikita ni Zale ang sasakyan nito na may gasgas. Mamaya, dahil sa kaba niya ay makahalata pa ito na siya ang gumawa ng gasgas sa sasakyan nito, mahirap na. Lalo na at hindi siya marunong umarte. Siguradong mabibisto lang siya. Hinarap siya ng lalaki pero hindi naman nagsalita. Kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Pero wala kasi akong pera dahil na kay Izaiah ang bag ko. Kaya pwede ba akong makahiram ng perang pang taxi? Pramis babayaran kita sa G cash." Sabi niya na itinaas pa ang kanang kamay upang sumumpa.
Tinitigan siya nito. "Una sa lahat wala akong G cash. Kung ako lang kanina pa kita iniwan dito habang humihilik ka. Ang problema ay sa akin ka binilin ni Zaiah. Kaya sa ayaw at sa gusto mo ay ihahatid kita. C'mon, gusto ko ng magpahinga." Tinalikuran na siya nito upang lumabas.
Bumuntong hininga na lang siya. Mukhang wala na siyang magagawa kung hindi magpahatid. Patakbong sumunod siya sa lalaki. Mahirap na, masyado pa namang malaki ang bar na iyon mamaya ay maligaw na naman siya. Lalo pa suyang magkaproblema.
Hindi niya namalayan ng biglang huminto ito at nabunggo niya ang likod nito. "Aray!"
"Bakit ba kasi tumatakbo ka?" Tanong nito sa kanya.
"Ayaw ko lang mawala dito, ang dami pa naman tao." Hinilot-hilot niya ang ilong niya. Mapapango pa yata siya ng wala sa oras.
Sinipat nito ang ilong niya. Nagulat siya sa ginawa nito kaya napatitig siya sa mukha nito. Sandaling nawala ang sakit na naramdaman niya ng tumama ang mukha niya sa matigas na likod nito dahil tumigil ang mundo niya. Nakakaakit talaga ang hazel grey eyes nito. Ang ilong naman nito ay napaka tangos. 'Shet! Bakit ang guwapo ng lalaking to!' Hiyaw niya sa isip. Napadako ang mata niya sa labi nitong mapula na sa tingin niya ay masarap halikan.
Napalunok siya sa naisip. Agad siyang napalayo dito. Bago pa siya tuluyang maakit dito. 'Kalaban siya Kaia! Huwag kang magpaakit sa kanya!'
"O-okay lang ako." Nauutal pang sabi niya. Bumuntong hininga naman ito. Saka walang sabi-sabing na hinawakan nito ang kamay niya. Lalo siyang naalarma. "A-anong ginagawa mo?" Gulat na tanong niya rito.
"Baka mawala ka na naman. Gusto ko ng magpahinga at wala na akong panahon para hanapin ka pa kung sakali." Nilingon siya nito. "Tara na." Sabi nito saka hila sa kanya palabas ng bar na iyon.
Habang naglalakad sila palabas ng bar ay nakatuon lang ang pansin niya sa kamay nilang magkahawak. Napakalambot ng kamay nito. Iba talaga ang mga mayayaman. Bigla tuloy siyang na conscious sa kamay niyang magaspang dahil batak sa trabaho. Mabibigat naman kasi ang trabaho sa probinsya. Madalas din ay tumutulong siya sa pagsasaka. Kaya puro kalyo na ang mga kamay niya.
"What the hell?" Biglang tumigil si Zale sa paglalakad. Napasilip naman siya sa tinitingnan nito. At kaagad niyang nahila ang kamay sa pagkakahawak nito. Dahil ngayon ay nasa harap nila ang sasakyan nito na ginasgasan niya.
'Just act cool Kaia. Huwag kang magpahalata na ikaw ang may gawa niyan.' Sabi niya sa sarili.
Ilang sandali pang tinitigan nito ang sasakyan bago nagsalita. "Stay here, babalik lang ako sa loob para tingnan ang kuha ng CCTV." Sabi nito sa kanya pagkatapos titigan ang sasakyan nito.
"S-sige." Sabi niya ngunit agad din niyang na-realize ang sinabi nito. "M-may CCTV dito?" Pero hindi na niya kinailangan pa ng sagot nito dahil sa pagtingala niya sa lalaki ay agad din niyang nakita ang CCTV na nakatutok sa mga sasakyan sa parking lot. 'Shet na malagkit!'
Bakit ba hindi niya naisip na may CCTV sa lugar na iyon? Lalo pa at mukhang mga mayayaman ang napunta sa bar na iyon. Minsan talaga ay may pagkatanga siya eh. Pag napanood ni Zale ang kuha ng CCTV ay siguradong lagot na siya!
"Dito ka na muna." Akmang tatalikuran siya nito ng hawakan niya ang braso nito. Nilingon naman siya nito ng nakakunot ang noo. "What do you think you're doing?"
"Ahm, k-kase a-ahm. " Ano ba ang dahilan na pwede niyang sabihin sa lalaki para hindi ito makapasok para panuorin ang kuha ng CCTV. Dahil siguradong katapusan na niya. "Hindi ka naman papayagan ng m-may-ari na panoorin ang kuha ng CCTV, confidential iyon."
"Well, sorry to disappoint you but I have the right since I am the owner of that bar. So walang problema kung panoorin ko ang CCTV." Mayabang pang sabi nito. "Sumama ka na nga lang sa akin. Ang dami mo pang sinasabi." At hinila na naman siya nito papasok sa isa pang pinto malapit sa entrance ng bar na iyon.
Pagminamalas ka nga naman. Kaya pala pwede itong pumasok sa pribadong silid sa bar na iyon. Dahil ito pala ang may-ari!
"T-teka lang." Pilit niyang hinihila ang braso na hawak nito pero hindi ni Zale hinahayaang makawala pa siya. Mukhang minamalas talaga siya.
Patuloy lang ang paghila ni Zale sa kanya ng makarating sila sa pinto na may nakasulat na 'CCTV ROOM' Napalunok siya. Ito na ang katapusan niya.
Pagpasok nila sa loob ay agad napatayo ang lalaking nakaupo sa harap ng mga monitor. "S-sir Zale."
"Carlo, pwede ko bang makita ang kuha ng CCTV simula ng dumating ako sa parking lot ng 8pm."
"Yes sir." Hindi na nagtanong ang lalaki. Agad naman itong umupo at may kung anong tinipa sa harap ng computer.
Pumikit nalang siya at Nagdasal na sana ay hindi ganoon kalinaw ang kuha ng CCTV at hindi siya makilala. Ngunit mukhang kinakarma talaga siya dahil pagmulat na pagmulat niya ng mga mata ay mukha niya ang nakita niya sa monitor at kuhang-kuha ng CCTV ang bawat galaw niya mula sa pagdampot niya ng bato na ginamit niya upang gasgasan ang sasakyan ni Zale hanggang sa paglapit sa kanya ni Izaiah. Parang gusto niya na bumuka ang lupa at kunin na lang siya dahil sa kahihiyan.
Ilang beses pa siyang nilingon ni Carlo upang masiguro na siya talaga ang nasa screen ng monitor. "Hindi ba, ikaw to?" At nagtanong pa talaga ang damuho!
"A-ahm. A-ano k-kase-" Kinakaahang sabi niya.
"Save it, Kaia. Sa labas tayo mag usap." Matalim siyang tiningnan ng lalaki at binalingan ang tauhan nito. "Thank you Carlo." Tinapik nito ang balikat ng lalaki saka tumalikod ito at iniwan siya. Kaagad naman niyang sinundan ito.
Nang nasa labas na sila ay saka ito muling nagsalita at hinarap siya. "Bakit mo ginawa iyon? Do you even know how much that car cost? Alam mo bang pwede kitang ipakulong sa ginawa mo?" Tanong ni Zale.
Yumuko siya, Wala siyang pambayad sa sasakyang iyon pero hindi rin siya pwedeng makulong. Napakagat labi siya. "S-sorry. Wala pa akong pera ngayon pero pagnakapag simula na ako sa trabaho ko ay tyak na makakapag bayad ako pero hindi biglaan." Mukhang kailangan niyang dumoble kayod dahil sa krimen na ginawa niya.
"Bakit? sa tingin mo magagamit ko pa iyang sasakyan na ginasgasan mo?" Iniisip ba nito na pabayaran ang buong sasakyan nito? Kahit yata buong buhay niya ay hindi niya magagawang bayaran iyon. Mukhang sa kulungan talaga ang bagsak niya. Lumuwas siya sa Maynila para maghanap ng trabaho hindi para makulong.
"S-sorry talaga, Nainis lang talaga ako sayo noong una tayong magkita kaya iyan ang naisip kong ganti sayo kaso-" Naputol ang sasabihin niya ng biglang lumapit ito sa kanya.
"Kaso hindi mo akalaing kaibigan ko si Izaiah at ako ang pakikiusapan niyang maghatid sayo?" Sabi nito habang lumalapit sa kanya.
Digital na talaga ang karma ngayon. "S-sorry na babayaran na lang kita. Huhulog hulugan ko na lang ang atraso ko. Huwag mo lang akong ipakulong." Pakiusap niya rito.
"Gusto kong bayaran mo ako ngayon mismo." Sabi nito.
"Wala kasi pa kasi ang akong pera ngayon." Paliwanag niya rito.
"Kung ganon ay handa kana na makulong?" Tanong naman nito sa kanya
Huwag mo naman akong ipakulong. Baayaran naman kita eh. Kaso hindi ko kayang magbayad ngayon."Itiniaas niya ang kanang kamay rito. "Promise gagwin ko ang lahat huwag mo lang akong ipakulong. May pamilya ako sa probinsya." Pakiusap niya rito. Napansin niyang unti-unti itong lumalapit sa kanya. "B-bakit k-ka l-lumalapit?" Naaalaramang sabi niya.
"I will give you a chance. Hindi kita ipapakulong sa isang kundisyon." Inilapit nito ang mukha sa mukha niya at bumulong. "I want your service and your body."
Nanlaki ang mga mata niya. Anong serbisyo ang gusto nito? 'Oh my! Ang puri mo Kaia!'