Maingat na pumasok si Althea Velasquez sa loob ng Castillo Corp, bitbit ang mga folders na inatasang ipasa sa executive office. Black pencil skirt. Puting blouse. Matataas na takong. Mukha siyang composed, professional—parang walang tinatago. Pero sa loob niya, magulo. Simula nung gabing iyon… simula nung may nangyari sa kanila ni Sebastian, parang nag-iba ang lahat. Sa kumpanya, intern lang siya. Isa sa mga trainees na sumasailalim sa program. Pero dahil siya mismo ang pinili ng CEO na direktang i-assign sa ilalim niya, iba ang tingin ng lahat. At mas lalo niyang ramdam ang bigat ng presensya ng lalaki. Si Sebastian Castillo—CEO, malamig, seryoso, untouchable. At siya… intern lang na hindi inaasahang mahuhulog sa alon ng panganib na dala nito. Kahit hindi siya tumitingin, ramdam n

