Mabigat ang amoy ng steak at mamahaling alak sa private dining room ng steakhouse sa Makati. Sanay na sanay na si Sebastian sa ganitong setup—dimmed lights, round table, at apat silang magkakaibigan na nagtataponan ng biro at insulto na parang normal na language. Pagdating niya, lahat agad napatingin. “Uy, finally! The great Bash is here,” si Jace agad, nakataas ang wine glass. “Kala ko busy ka pa sa ‘intern’ mo.” Napasinghap si Dylan, agad sumakay. “Oo nga. Kanina pa kami nagtataka kung bakit late ka. Baka may hinatid ka pa muna bago dumiretso dito?” Sebastian only gave them a sharp look, pero hindi itinanggi o kinumpirma. Umupo siya sa dulo ng mesa, kinuha ang wine na nasa harapan niya at maingat na ni-swirl. “Traffic,” malamig niyang sagot. “Unlike you clowns, may totoong trabaho a

