Ang ikatlong club ang pinaka-wild sa lahat ng pinuntahan nila. Lasers flashing, crowd sumisigaw, alak na parang ulan. Sa VIP corner, halatang pagod na si Sebastian sa pilit na pagpapabalik ng barkada sa “dating siya.” “Pare, one last toast bago tayo mag-disperse,” sigaw ni Dylan, sabay taas ng bote. Tumango lang si Sebastian, ngumiti ng pilit, then tumayo. “CR lang ako,” maikli niyang sabi. “Sure ka bang CR? Baka may ka-text ka lang, ha?” tukso ni Jace, pero hindi na siya pinansin ni Sebastian at dumiretso na siya palabas ng VIP area. Samantala, si Althea ay kasama ang dalawa niyang ka-intern. Dahil birthday ng isa, napilit siyang sumama. Hindi rin niya alam na sa parehong bar sila mapapadpad. Pagkatapos sumayaw at mapagod, nagpaalam siya na pupunta muna ng CR. Pero bago pa siya makara

