Tahimik ang loob ng sasakyan habang binabagtas nila ang daan pauwi. Sa tabi niya, nakaupo si Jace na abala sa pag-check ng phone, habang si Dylan at Drake ay nagkukulitan pa rin sa likod. Pero para kay Sebastian, wala na siyang ibang naririnig. Paulit-ulit lang bumabalik sa isip niya ang eksena kanina sa bar. Ang mukha ni Althea—puno ng takot, nanginginig, sumisigaw para humingi ng tulong. Bakit siya? Bakit sa dinami-dami ng babae sa lugar na iyon, siya pa ang inabutan ko sa gano’ng sitwasyon? Pinikit niya ang mga mata, pinipilit alisin sa isipan ang titig ni Althea noong una silang nagkatinginan. Pero parang mas lalo lang itong dumidikit. “Bro,” boses ni Drake, sabay tapik sa balikat niya. “Okay ka lang ba? Kanina pa tahimik, ah. Unusual ‘yan.” Nagbukas siya ng mata, tumingin sanda

