Maaga pa lang, gising na si Althea Velasquez. Habang nasa harap ng salamin, paulit-ulit niyang sinasabing sa sarili, “Professional ka, Althea. Professional.” Pero kahit ilang beses pa niyang ulitin, hindi niya maitago ang pamumula ng pisngi tuwing naiisip ang nangyari kagabi. Bakit ko ginawa ’yon? Siya—siya mismo ang unang humalik kay Sebastian Castillo. At hindi lang basta halik… totoo iyon. Ramdam niya. Hindi niya maipaliwanag kung paano nangyari—isang tingin lang, isang malalim na hinga, at bigla na lang siyang lumapit. At ang mas nakakainis, hindi niya iyon pinagsisihan. Kahit dapat sana. Huminga siya nang malalim bago isuot ang kanyang corporate blazer. Kailangan niyang magmukhang composed. Intern lang siya. Hindi girlfriend ng CEO. Paglabas niya ng apartment, naglakad siya

