Pagkatapos basahin ni Althea ang IG message ni Sebastian, ilang minuto lang siyang nakatulala sa screen, hawak pa rin ang phone na parang radioactive. sebastiancastillo.official: Don’t overthink. HR will guide you later. Also, bring light clothes. The weather in the Maldives can get pretty warm. See you tomorrow, Miss Velasquez. ‘Warm.’ Paanong kahit simpleng salita lang ‘yon, parang may double meaning agad kapag galing sa kanya? Napahilot siya sa sentido niya. “Get a grip, Thea,” mahinang bulong niya, pero kahit siya hindi kumbinsido. Kaya bago pa tuluyang sumabog utak niya sa kakaisip, kinuha niya ulit ang phone — at nagdesisyon. Pasimpleng pumasok si Althea sa restroom, siniguradong walang tao, at tumakbo sa pinakadulong cubicle. Agad niyang tinawagan ang tanging taong puweden

