Pagkatapos ng buong araw sa opisina, halos hindi na makapag-focus si Althea sa trabaho. Ilang ulit niyang binasa ang email ng HR at ang DM ni Sebastian, pero parang hindi pa rin nagsi-sink in ang lahat. She was really going to the Maldives. With him. Alone. Pagkatapos ng shift, mabilis siyang nagpalit ng casual clothes at nagtungo sa mall kung saan sila magkikita ni Lianne. Sakto, kakalabas lang din daw nito sa duty sa Villarreal Medical Group. Nakaupo si Althea sa café nang marinig niya ang pamilyar na tawa ng kaibigan. Paglingon niya, heto na si Lianne, suot pa ang scrubs pero may malaking paper bag ng skincare sa kamay at ngiting parang may sariling energy drink. “Girl!” halos pasigaw nitong bati, sabay yakap sa kanya. “Grabe, hindi talaga ako makapaniwala—ikaw, sa Maldives with Kuya

