Chapter 3

1067 Words
Unang araw ko bilang intern, pero imbes na ma-excite ako, pakiramdam ko para akong sasabak sa giyera. Hindi ko kasi alam kung paano ko haharapin ang isang Sebastian Castillo—CEO, playboy, at… the same man na nakasama ko kagabi. Pumasok ako sa opisina nang maaga, dala ang ID at maliit na notebook. Nakasuot ako ng simpleng white blouse at black slacks, pero kahit simple lang, ramdam kong natataranta ang sarili ko. Kalmado lang, Althea. Intern ka dito. Professional dapat. Pagdating ko sa floor ng mga executives, halos bumagsak ang panga ko. Ang hallway ay sobrang linis, puro salamin at ilaw na puti, parang hotel. Ang mga empleyado, lahat pormal at seryoso, parang walang oras para ngumiti. “Miss Velasquez?” tawag ng isang sekretarya na naka-glasses. “The CEO is waiting inside.” Napalunok ako. CEO agad? Wala man lang orientation sa department? Binuksan niya ang pinto, at doon ko siya nakita—nakaupo sa leather chair, nakasandal at nakakunot ang noo habang nagbabasa ng dokumento. Nakasuot siya ng three-piece suit na kulay navy blue. Hindi ko alam kung paano, pero kahit simpleng paghinga niya, nakaka-intimidate. “Good morning,” mahina kong bati. Dahan-dahan niyang inangat ang tingin niya. At nang magtama ang mga mata namin, naramdaman ko ulit yung kuryente. Yung titig niya, parang sinisilip ang lahat ng iniisip ko. “Sit,” utos niya. Hindi tanong. Utos. Umupo ako sa harap niya, halos hindi makahinga. “Miss Velasquez,” nagsimula siya, malalim ang boses. “Bilang intern, you’ll assist me directly. I don’t like incompetence, I don’t like delays. Kung hindi mo kaya, tell me now.” “Sir, I’ll do my best po.” Bahagya siyang ngumiti, pero hindi ‘yung tipong mabait. ‘Yung ngiti na parang may tinatagong kalokohan. “Good. Kasi kapag sumuko ka, I won’t be gentle.” Nanlaki ang mata ko. Hindi ko alam kung professional warning ba ‘yun, o double meaning na naman. “Ano pong ibig n—” “Start by organizing these,” putol niya, sabay abot ng tatlong folders na halos punong-puno ng papeles. “Schedule ko for the week. I want them sorted, color-coded, and summarized in one hour.” “One hour?!” halos mapaubo ako. “Pero sir, ang dami po nito—” “Sweetheart,” bulong niya, leaning forward, “kung nagawa mong tiisin ako kagabi, this should be easy.” Namula ang buong mukha ko. Agad kong kinuha ang folders at tumayo, halos mabitawan ko pa. “Sir, please… huwag niyo pong banggitin ‘yon dito.” “Relax. No one else knows. Just you… and me.” May halong biro ang boses niya, pero may bigat din. Habang nakalabas ako ng opisina niya at naglakad papunta sa side desk na binigay sa akin, halos manginig ako sa halo ng inis at kaba. This is going to be hell. Pero habang inaayos ko ang schedules niya, naramdaman kong tinitingnan niya ako mula sa loob ng office. At kahit pilit kong i-focus ang sarili ko, hindi ko maiwasang mapaisip. Bakit ba parang mas mahirap siyang kalimutan ngayong mas malapit ako sa kanya? Habang abala ako sa pag-aayos ng mga folders, hindi ko maiwasang mapatingin paminsan-minsan sa opisina niya. Nakaupo siya roon, parang hari sa trono, habang kausap ang iba’t ibang managers na papasok at lalabas. Ang presensya niya, sobrang bigat. Kahit hindi siya nagsasalita, ramdam mo agad na siya ang may hawak ng lahat. “Miss Velasquez,” tawag niya bigla mula sa loob. Napatayo ako agad at mabilis na lumapit. “Yes, sir?” Hindi siya agad sumagot. Tiningnan niya lang ako mula ulo hanggang paa, tapos dumiretso sa mga papel na hawak niya. “Coffee. Black. No sugar.” Tumango ako at lumabas. Okay, coffee lang. Kaya ko ‘to. Pero pagdating ko sa pantry, halos mabaliw ako sa dami ng options ng coffee machine. Espresso? Americano? Cappuccino? Ano ba ‘to, may exam ba sa barista course? Pinili ko na lang yung plain black. Binalik ko agad sa kanya, sabay lagay sa table niya. Tinanggap niya ito, uminom ng isang lagok… tapos napahinto. “This is…” Kinabahan ako. “M-may mali po ba, sir?” Nag-angat siya ng kilay at ngumiti ng mapanganib. “…perfect.” Nakahinga ako ng maluwag, pero bago pa ako makaalis, nagsalita ulit siya. “Pero next time, sweetheart…” tumingin siya diretso sa mata ko. “…huwag mong dalhin ng nanginginig ang kamay mo. Dangerous ‘yan.” Ramdam kong nag-init ang pisngi ko. Agad akong bumalik sa desk ko, halos gusto kong magtago sa ilalim ng mesa. Ano ba ‘tong lalaki na ‘to? Ginagawa ba talaga niyang trabaho ko o trip niya lang akong asarin? Maya-maya, dumating si Dylan Morales—isa sa barkada ni Bash. Nakaputing polo, mas approachable kaysa kay Bash, pero may halong pilyong aura rin. “Bro, meeting na tayo in fifteen,” sabi nito kay Bash. Nagtaas lang ng kamay si Bash bilang sagot, tapos tiningnan ako. “Miss Velasquez, you’ll come with me. Take notes.” “Po?!” nanlaki ang mata ko. “Pero sir, intern lang po ako—” “That’s exactly why. Para matuto ka.” Wala na akong nagawa kundi sumama. Pagdating namin sa boardroom, halos malaglag ang panga ko. Ang haba ng mesa, puro executives ang nakaupo, lahat nakatingin seryoso kay Bash habang nagpi-presenta ng reports. Ako lang ang mukhang out of place. “Miss Velasquez, take down everything,” bulong niya sa akin bago magsimula ang meeting. Agad kong binuksan ang notebook ko at nagsulat. Pero habang tumatagal, napapansin kong iba rin ang tingin ng mga tao kay Bash. Hindi lang siya playboy—he’s sharp, decisive, and every word he says carries weight. At kahit pasulyap-sulyap lang siya sa akin, ramdam kong pinagmamasdan niya kung paano ako magtrabaho. Pagkatapos ng meeting, lumapit si Dylan at ngumiti. “Not bad, intern. Matibay ka kung kaya mong sabayan ang boss namin.” Ngumisi lang si Bash, tapos bahagyang yumuko sa tenga ko. “Told you… you won’t survive unless you keep up with me.” Kinilabutan ako sa bulong niya, pero pinilit kong maglakad nang diretso. Kahit natataranta ako sa presensya niya, may parte ng sarili kong hindi papayag na maliitin lang niya ako. At doon ko napagtanto… baka hindi lang siya ang magsusubok sa akin dito. Baka pati ako, susubok sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD