The drive to the Castillo Corporation felt different that afternoon. Hindi iyon tulad ng mga dating pagpasok ni Sebastian—yung tipong malamig ang hangin sa loob ng sasakyan, mabigat ang pakiramdam, at lagi siyang nagmamadaling makatakas mula sa mga expectation ng ama niya. Pero ngayon… may kakaibang calmness na nakahalo sa adrenaline. Parang may invisible na humahawak sa direksiyon niya, steadying him. Maybe it was the family’s reaction. Maybe it was the Maldives. Or maybe… it was her. Pagdating niya sa basement parking ng headquarters, tumigil muna si Sebastian, nag-exhale, pinakiramdaman ang sarili. Controlled. Composed. Pero hindi niya maikakaila ang maliit na spark sa loob niya—yung warm anticipation na hindi niya madalas dalhin sa trabaho. Pagpasok niya sa lobby, agad napansin n

