Hindi pa man tuluyang nagsasara ang pinto ng maliit na conference room, ramdam pa rin ni Althea Velasquez ang panginginig ng hininga niya. Hindi dahil sa pagod. Hindi dahil sa kaba sa trabaho. Kundi dahil sa lalaking naiwan sa loob—nakaupo, composed, pero may tingin na parang dumidikit sa balat. “Nice to see you… in my company again.” She wasn’t prepared for that line. Hindi niya inaasahan na ganoon kalambot ang tono ni Sebastian, na may halong warmth na hindi pang-CEO. Hindi pang-professional. And definitely not something she should hear from him while they were both in corporate mode. Hinawakan niya ang folder na parang shield, pilit inaayos ang paghinga. Focus, Thea. Intern ka. Trabaho to. Pero kahit anong pilit niya, hindi mabura ang pag-init ng pisngi niya. Pagbalik niya sa inte

