Tahimik ang gabi sa private island—isang uri ng katahimikan na hindi nakakatakot, kundi nakakahilo. Yung parang hinahaplos ang balat ng malamig na hangin, at kada yapak sa buhangin ay lumulubog nang marahan, parang pinapakalma ang puso. Katapos ng dinner nila—na mas mukha talagang date kaysa normal na pagkain—nag-aya si Sebastian. “Walk with me,” sabi niya, mababa ang boses, halos hinahaplos ang pandinig ni Althea. At bago pa siya maka-isip ng kahit anong dahilan para umiwas, napahawak na si Sebastian sa maliit niyang pulso, marahang hinila siya palabas ng restaurant deck. Sa bawat hakbang papunta sa shoreline, ramdam ni Althea ang kabog sa dibdib niya. Hindi ‘yung kaba na natatakot—kundi ‘yung kaba na parang may something na malapit nang mangyari. Iyong hindi niya alam kung kaya ba ni

