Ang hangin ng Maldives ay malamig pero may halong lambing habang naglalakad sina Sebastian at Althea sa mababaw na bahagi ng beach. Tahimik ang paligid, halos sila lang ang tao sa lugar na iyon. Ang mga ilaw mula sa resort—warm yellow and soft white—ay nagre-reflect sa tubig na parang mga bituin na nahulog mula sa langit. Perfect. Too perfect. Kaya siguro sobrang lakas ng kabog ng dibdib ni Althea. Kanina pa sila naglalakad, halos walang imik, pero hindi awkward—kundi parang parehong naghahanap ng lakas ng loob. Minsan, sumasabit ang daliri nila. Hindi sadya. Pero ramdam. Sparks. Heat. Something na hindi dapat, pero naroon. “Beautiful night,” Sebastian murmured. Nag-angat siya ng tingin kay Althea, and she felt it again—yung tingin niyang hindi pang-CEO, hindi pang-boss, hindi pang-f

