Nagising si Althea bago pa tuluyang sumikat ang araw. Tahimik ang buong villa—’yong klase ng katahimikan na parang kumot na nakabalot sa buong paligid. Ang tanging naririnig niya ay ang marahang hampas ng alon sa gilid ng water villa nila, at ang mahinang hininga ng lalaking nakayakap ngayon sa baywang niya—mahigpit, possessive, pero malambot sa pakiramdam. Sebastian Castillo. Her boyfriend. The word still made her chest feel warm and unreal. Dumilat siya nang dahan-dahan, and the moment she moved even just slightly, naramdaman niya ang pag-higpit ng braso ni Sebastian mula sa likod. Para bang instinct niya iyon—ang hilahin siya pabalik sa dibdib niya kahit tulog pa. Huminga siya nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili sa sobrang sweetness nilang dalawa. Hindi siya sanay na may ga

