Hindi agad bumalik sa normal ang mundo. Hindi rin naman gumuho. Para itong lungsod matapos ang lindol—nakatayo pa rin ang mga gusali, umaandar pa rin ang buhay, pero alam ng lahat may nagbago sa ilalim. Sa Castillo Group, walang nagsisigawan. Walang emergency meeting na puno ng panic. Walang PR crisis na parang sunog. Ang meron lang— isang kakaibang katahimikan. Ang uri ng katahimikang may kasamang pag-iingat. Sa executive floor, tahimik ang hallway. Mas maingat ang mga hakbang. Mas maingat ang mga tingin. Hindi na bulong ang pangalan ni Althea Velasquez. Hindi na rin ito tsismis. Isa na itong context. Sa mga internal emails, nagbago ang tono. Sa mga memo, nagbago ang framing. Hindi na:“Intern involved in scandal” Kundi:“The CEO’s publicly acknowledged partner” At sa ba

