Hindi ito eksena ng pelikula. Walang dramatic background music. Walang basag na baso sa unang segundo. Walang biglaang sampalan. Ang mas delikado— ang uri ng komprontasyong nagsisimula sa pagod. Nakatayo si Nathan de Leon sa harap ng floor-to-ceiling window ng opisina niya, nakatalikod kay Ellen Gardovas. Naka-loosen ang kurbata, bukas ang manggas ng polo—isang bihirang anyo ng lalaking sanay laging kontrolado. Sa mesa sa gitna ng silid, nakakalat ang mga reports. Sales decline. Pulled partnerships. “Pending review” na dati’y “guaranteed.” Hindi siya huminga nang malalim. Hindi siya nagbilang hanggang sampu. Pagod na siya sa pag-aayos ng kalat. “I’m tired,” sabi niya sa wakas, mababa ang boses, pero puno ng bigat. “I’m tired of cleaning your mess, Ellen.”Hindi gumalaw si El

