Nagmulat ng mata si Althea nang maramdaman ang liwanag ng araw na dumadaloy mula sa bintana. Sandali pa siyang nag-blink, trying to process kung nasaan siya. Nang mapagtanto niya kung anong nangyari kagabi, bigla siyang napaupo. “Oh my God…” bulong niya, ramdam ang init sa pisngi. Suot lang niya ang manipis na robe na hindi man lang niya maalalang sinuot niya bago matulog. Napatingin siya sa gilid ng kama—at muntik nang himatayin sa nakita. Sebastian Castillo. Nakaupo ito sa couch, nakasandal, hawak ang cellphone sa isang kamay habang nasa kabilang kamay ang tasa ng kape. Naka-unbutton pa rin ang polo nito hanggang dibdib, at kahit casual ang itsura, halatang CEO pa rin ang dating. Nag-angat ito ng tingin, diretso sa kanya, at ngumisi. “Morning, Thea.” Parang automatic siyang natigil

