Pagdating nila sa city, dire-diretso si Sebastian sa isang high-rise building na pag-aari ng business partner company. Habang naglalakad sila papasok sa lobby, ramdam ni Althea ang mga matang nakatingin sa kanila — security guards, receptionists, pati ilang empleyado. Hindi naman nakakagulat; after all, he was Sebastian Castillo. CEO. Heir. Playboy. Lahat yata ng mata ay sanay tumingin sa kanya. Pero sa kanya? God, para siyang fish out of water. “Relax,” bulong ni Sebastian habang binubuksan siya ng pinto ng elevator. “Hindi ka nila kakainin.” “Madali lang sabihin ‘yan para sa’yo,” pabulong niyang sagot, pilit na hindi nagpahalata. Ngumisi lang ito, pinindot ang button ng top floor. “Just stay close. I don’t bite… unless you ask.” Namula si Althea at agad na umiwas ng tingin. Seryoso

