Pagkatapos ng mahabang catch-up nila ni Kiara, naghiwa-hiwalay na ang mga tao para mag-break bago ang susunod na round ng discussions. Si Althea, bahagyang nakahinga nang maluwag. Ang dami niyang gustong itanong at ikwento kay Kiara, pero ramdam niyang hindi ito ang tamang oras. At lalo na't nakatingin si Sebastian mula sa gilid ng conference hall, parang laging handa itong makialam kung kinakailangan. "Magkita tayo mamaya, Thea," bulong ni Kiara bago ito bumalik sa team niya. "Promise, marami pa tayong pag-uusapan." Tumango siya, pilit na ngumiti. Pero nang tumalikod siya, sinalubong agad siya ni Sebastian. Tahimik ito, walang ekspresyon, pero matalim ang titig na nakatutok lang sa kanya. "Best friend mo, hm?" mababang tanong nito habang naglalakad silang dalawa palabas. "Yes," maik

