Ang unang gumising ay si Sebastian. Nakahiga siya sa gilid ng kama, isang braso ang nakaunan kay Althea habang ang kabilang kamay ay nakapulupot sa baywang niya. Ang maliit na hinga ni Althea—mahina, kalmado, parang sinasabing safe siya—ang unang nagpa-relax sa puso niya. Golden na naman ang umaga. 'Yung light mula sa bintana diretso sa gilid ng mukha ni Althea. At doon na naman siya—nakatitig, parang hindi pa rin makapaniwala na ang babaeng dalawang buwan niyang nilalabanan ang feelings niya ay natutulog ngayon sa dibdib niya. Girlfriend niya. Girlfriend. The word hits him every time. Napangiti siya. Hindi 'yung slight smile lang—kundi 'yung tipong may kasamang kiliting hindi niya ma-explain. The kind he never does to anyone. He leaned down, brushing his lips lightly sa hairline ni

