Hindi siya dumiretso sa condo. Hindi rin sa opisina. Pagkatapos ng interview—pagkatapos ng mga ilaw, kamera, at mga salitang hindi na mababawi—dumiretso si Sebastian Castillo sa iisang lugar na hindi niya kailanman tinakasan, gaano man kagulo ang mundo sa labas. Ang bahay. Hindi ang mansion na puno ng boardroom aura. Hindi ang tahanang parang museo ng kapangyarihan. Kundi ang Castillo ancestral house—ang bahay kung saan siya unang natutong maging anak bago naging CEO, kung saan una siyang napagalitan, unang nabigo, at unang natutong tumayo nang walang titulo. Tahimik ang driveway. Hindi dramatic ang pagdating niya. Walang paparazzi. Walang media vans. Walang ilaw na kumikislap. Parang kusang umatras ang mundo, alam na may mga sandaling hindi dapat istorbohin. Pagbukas niya ng

