Hindi agad nagsalita si Ellen Gardovas matapos ang interview. Hindi siya sumigaw. Hindi siya nagbasag ng kahit anong mamahaling gamit sa penthouse na iyon. Hindi siya nag-collapse sa galit gaya ng inaasahan ng mga taong sanay makita siyang palaging kontrolado ang lahat. Umupo lang siya. Diretso Ang tingin. Tahimik. Parang reyna sa harap ng sariling salamin. Sa harap niya, ang malaking TV ay naka-mute, pero malinaw pa rin ang huling frame—ang mukha ni Sebastian Castillo, diretso sa camera, hindi umiilag, hindi nagtatago, walang bahid ng paghingi ng paumanhin. I am not ashamed of loving Althea Velasquez. Hindi iyon sigaw. Hindi iyon drama. Isa iyong deklarasyon. At iyon ang pumatay kay Ellen. Hindi ang pangalan ni Althea ang unang tumama sa dibdib niya. Sanay na siyang marinig

