Tahimik ang umaga sa Castillo Group, pero para kay Althea, parang may bagyong hindi natatapos. Ang bawat tunog ng takong niya sa marmol na sahig ay parang kasabay ng t***k ng puso niyang pilit kumakalma. She arrived earlier than usual, hoping that drowning herself in work would quiet the chaos inside her. Pero kahit ilang reports na ang inayos niya, kahit ilang kape na ang naubos, hindi pa rin nawawala sa isip niya ang kaganapan kagabi. Ang gabi na muling humarap siya sa lalaking minsan niyang minahal — si Nathan De Leon. Hindi niya alam kung bakit siya pa rin ang unang naaalala ng isip niya tuwing nakikita niya ang mga matang iyon. Baka dahil sa mga salitang huli niyang narinig kagabi. “I never stopped thinking about you.” Napangiti siya nang mapait. “And I stopped hoping you woul

