Tahimik na ang buong opisina nang lumabas si Sebastian mula sa elevator. Hindi niya alam kung bakit siya bumaba — wala naman siyang naiwan, at wala rin siyang dapat habulin. Pero sa tuwing pinipikit niya ang mga mata, ang mukha pa rin ni Althea ang nakikita niya — mapula, magulo ang buhok, at ang mga labi nitong kanina lang ay nanginginig sa pagitan ng hinga at halik. He tried to shake it off. He was supposed to be the one in control. Always. Pero ngayong gabi, siya mismo ang parang tinutulak ng hindi maipaliwanag na pwersa. Paglabas niya ng building, nakita niya ang tanaw ng kalsadang basa ng ulan. At sa gitna ng liwanag ng poste, doon niya nakita — si Althea, naglalakad mag-isa, hawak ang bag, tila walang direksyon. Agad siyang humakbang palapit, pero bago pa man niya matawag ito,

