Hindi pa rin humihinto ang party. Kung tutuusin, mas lalo pa itong nagiging magulo—sa masayang paraan. May mga empleyadong nagtanggal na ng sapatos at naglalakad sa basang sahig na parang wala nang pakialam bukas. May mga interns na nakaupo sa gilid ng pool, paa nakababad sa tubig, nagtatawanan habang nagkukuwento ng mga plano pagkatapos ng graduation. May mga sumasabay sa DJ, may sumisigaw ng request, may mga nagkakantahan kahit sintunado. Hindi ito event na pang-i********: aesthetics. Ito iyong klase ng gabi na kapag inalala mo, mas maalala mo ang pakiramdam kaysa sa itsura. At sa itaas ng hotel, sa open terrace na tanaw ang buong courtyard, nananatili pa rin si Sebastian Castillo sa parehong pwesto. Hindi siya nakikisali sa sayawan. Hindi rin siya umiinom. Hindi rin siya nagmamadal

