Hindi nagsimula ang gabi sa formal announcement. Walang mahahabang speech. Walang pila ng mga baso para sa toast. Nagsimula ito sa tunog ng DJ na biglang lumakas, sa ilaw na unti-unting nagpalit ng kulay, at sa unang sigaw ng isang empleyadong tuluyang naghubad ng tsinelas at tumakbo papunta sa pool. Parang senyales iyon. Na tapos na ang pagiging maingat. Na tapos na ang trabaho. Na tapos na ang bigat ng mga nakaraang linggo. At sa Castillo Amara Shores—sa resort na kilala sa katahimikan at dignidad—ang gabing iyon ay naging magulo sa pinakamagandang paraan. May mga sumayaw agad sa gilid ng pool, nakataas ang baso, hindi iniintindi kung basa ang sahig. May tumalon sa tubig nang naka-clothes pa. May nagtawanan nang malakas, parang matagal na nilang pinigil ang sarili nila. Hindi i

