Nagising si Althea Velasquez sa araw na alam niyang hindi na mauulit. Hindi dahil espesyal ito sa mata ng mundo,kundi dahil alam niyang paglabas niya ng pintuan sa araw na iyon—hindi na siya babalik bilang intern. Walang kaba sa dibdib niya. Walang takot. Walang bigat. May kakaibang katahimikan lang, parang huling hinga bago tuluyang magbago ang direksyon ng hangin. Tahimik ang kwarto. Nasa bahay pa rin siya nila—ang lugar na muling bumuo sa kanya matapos ang unos. Dahan-dahan siyang bumangon, nag-ayos, nagsuot ng damit na simple pero maayos. Hindi na niya pinili ang damit para magmukhang karapat-dapat. Pinili niya ito dahil komportable siya rito. Habang inaayos niya ang buhok niya sa salamin, tumunog ang phone. Sebastian. Hindi siya nagulat. Pero may kirot pa rin—hindi masakit

