Hindi agad umalis si Clarisse. Nanatili siyang nakatayo sa gitna ng opisina ni Sebastian, hawak pa rin ang paper bag ng takeout na matagal nang lumamig. Ang eksenang nadatnan niya ay paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip niya—ang paraan ng pagyakap ng kapatid niya, ang pagkapit ng babae rito, ang anyo ni Sebastian na matagal na niyang hindi nakikita. Hindi bilang CEO. Hindi bilang Castillo. Kundi bilang isang lalaking may kinakapitan. “I want to know her better.” Malinaw ang boses ni Clarisse. Walang biro. Walang pang-aasar. Napatingin si Sebastian sa ate niya. “Ate—” “I’m serious,” putol niya, seryoso na ang mukha. “Hindi ito curiosity lang. Hindi rin tsismis.” Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy, mas mahinahon na ngayon. “I’ve waited years, Bash. Years. Hindi para magbag

