“Two caramel macchiato and one slice of blueberry cheesecake,” sabi ni Althea sa barista bago lumingon kay Lianne. “Alam kong ‘yan ang gusto mo. Hindi ko na pinatagal pa.” Ngumisi si Lianne habang inayos ang buhok at umupo sa tapat ni Althea. “Alam mo talaga, Thea. Pero seryoso, girl—pinagkakaguluhan ka ngayon sa office.” Napataas ang kilay ni Althea habang binubuksan ang takip ng kape. “Ako? Bakit naman?” “Oh please,” sagot ni Lianne, sabay tawa. “Don’t act innocent. Ikaw kaya ang presenter ng Castillo Group noong investment meeting with Gardovas! Lahat ng tao sa industry ngayon, nag-uusap tungkol sa performance mo. As in, fierce daw! Pero—” kumindat siya, “—mas pinag-uusapan ‘yung moment na nando’n din sina Nathan at Ellen.” Bahagyang natahimik si Althea, marahang inikot ang straw n

