Tahimik ang buong kwarto. Tanging patak ng ulan sa labas ang maririnig — ‘yung tipong hindi na malakas, pero sapat para magpaalala ng mga gabing mahirap matulog. Nakaupo si Althea sa gilid ng kama, hawak-hawak ang mug ng kape na kanina pa lumamig. Kanina lang, maingay pa silang magkakapatid sa baba — si Isabella, hindi pa rin nauubusan ng banter, habang si Mama naman, kalmado lang na humahagikgik. Si Papa, as usual, tahimik pero halatang nag-aalala. Ngayon, nasa taas na ulit siya — tahimik, pero hindi mapakali. Hindi dahil sa sermon ng ama niya… kundi dahil sa isang simpleng tanong na ayaw umalis sa isip niya: “Bakit ko nga ba pinapansin ‘yung mga sinasabi ni Isa?” Umiling siya, pilit inaalis sa isip ang ngiti ng kapatid kanina. Pero kahit anong iwas, biglang sumingit sa isip niya

