Pagbukas pa lang ng pinto ng maluwang na meeting villa, ramdam agad ni Althea ang lamig ng aircon na may kasamang halimuyak ng mamahaling wood scent. Ang contrast nito mula sa mainit, maalinsangang hangin ng Maldives ay parang sampal na nagpabalik sa kanya sa realidad—nasa business trip sila. Hindi vacation. Kahit pa marami nang pagkakataon na nalilito ang puso niya. Nasa unahan niya si Sebastian, naka-light beige linen polo na bahagyang nakabukas ang dalawang top buttons. Simple pero lethal. Tila effortless ang karisma niya habang inaayos ang sleeves at pinapagpag ang buhangin sa laylayan ng pantalon. Kakatapos lang nila sa beach at halos hindi pa siya maka-recover sa image ni Sebastian in swimming trunks. “Ready?” tanong nito, tumingin sa kanya saglit—yung tinging may bahid ng assuranc

