Mainit pero banayad ang hangin nang lumabas si Althea mula sa villa. Ang araw ay nasa gitna ng langit, kumikintab sa ibabaw ng malinaw na dagat — parang isang higanteng salamin na kumikislap sa bawat alon. Nakasuot siya ng white sundress na may manipis na strap, at sa ilalim nito ay simpleng swimsuit — just in case, sabi ni Sebastian kanina. Hindi niya alam kung bakit kailangan niya ‘yon just in case, pero hindi na siya nagtanong. Nakahanda na sa dock ang speedboat — sleek, white, and obviously expensive. Sa tabi nito, si Sebastian, suot ang light blue linen shirt na bahagyang bukas sa dibdib, at beige shorts. May suot siyang shades, pero kahit natatakpan ang mga mata, alam ni Althea na nakangiti ito. “Ready?” tanong nito habang inaabot ang kamay niya. “Yes, Mr. Castillo—” “Bash,”

