Nagpanggap akong natutulog para akalain niyang pareho kaming natutulog na, nang lumalim na ang paghinga niya, dahan dahan akong bumaba sa kama ko at kinuha ang apat na posas na naka tago sa ilalim ng kama ko. “Pagsisisihan mo na inalis mo ang pagkakatali ng kamay ko Sevan.” nakangising bulong ko at dahan dahan kong pinosas ang dalawang kamay niya sa magkabilaang headboard ng kama, pagkatapos ay ang dalawang paa naman niya. Pakatapos ko siyang iposas sa kama ko, humiga na ako sa tabi niya nakangiting natulog. Nagising ako sa kalasing ng metal at pag galaw ni Sevan, idinilat ko ang mga mata ko at nakita kong pinipilit niyang alisin ang pagkaka posas niya. “Save your energy, nasa aking susi niyan, there oh.” nginuso ko ang susi na nasa bedside table ko. “Baby remove these cuffs.” nag b

