Nagising ako bandang alas dyes, napaka kulang sa pakiramdam. Napangiti ako ng mapait at pinilit ko bumangon ang sarili ko kahit wala pa akong lakas, kailangan ko umalis sa condo ko baka ano pang magawa ko sa sarili ko. Naligo ako at nag bihis, hindi na ako kumain dahil wala naman akong gana. Nag drive na ako papunta sa orphanage para silipin ang mga bata. Mabilis ang nakarating sa lugar at bumaba sa sasakyan ko, hindi ko muna dinala ang gamit ko baka sakaling sumama na sa'kin si Alondra. “Good morning sister.” bati ko kay sister na naabutan kong nag didilig ng mga halaman. “Maganda ka pa sa umaga, Nazue. Halika kahapon ka pa hinahanap ni Alondra sa'kin.” nakangiting sambit ng babae sa'kin kaya ngumiti ako pabalik. “Kamusta po ang mga bata?” tanong ko sakanya habang tinatahak namin

