Pagkababa namin mula sa rooftop, hindi ako makatingin kay Watt. He was smiling. Happy. Content. Like I just gave him something meaningful—something that came from the heart. At isang parte ko, gusto ko ngang paniwalaan 'yon. Gusto kong isipin na 'yong necklace na 'yon ay para lang talagang regalo, a symbol of how I felt. Pero hindi. It was a lie wrapped in silver. Pagpasok niya sa opisina niya, I made an excuse—sabi ko kailangan kong mag-update ng files. Pero ang totoo, halos madapa ako sa pagmamadaling makapunta sa restroom. Pagkasarado ng pinto, doon na bumigay ang tuhod ko. I sat on the cold tiled floor, holding my mouth as the sobs escaped from deep inside. Nagawa ko na. Naibigay ko na ang necklace. Ang curse. Ang hudyat ng kataksilan ko. I curled into myself, arms hugging my

