Nang maramdaman kong aalis na siya—‘yung mga hakbang niya paatras, papalayo sa kama—agad kong iminulat ang mata ko kahit sobrang bigat pa rin ng ulo ko. Parang may tumusok sa dibdib ko, hindi ko alam kung hangover o... takot. Takot na mawala na naman ‘yung kahit sinong nakikinig. “Watt Forteros…” Napahinto siya. Halos di ko rin alam kung bakit ko ginamit ang buong pangalan niya, pero siguro para may dating. Para bigla siyang magdalawang-isip. Para hindi niya agad maisara ang pinto. “Will you stay with me… even just a few minutes?” Tahimik. Ni kaluskos, wala akong narinig. Pero ramdam ko ‘yung paghinto niya sa paglakad. Hindi siya agad sumagot. Baka iniisip niya kung ito na ba ang pagkakataong i-block ako sa LinkedIn, sss, at HR system ng buong Triple B. Then I heard a deep sigh. Mabig

