Iyak ako nang iyak habang naglalakad sa gilid ng highway. ‘Yong tipong wala nang pakialam kung may makakita man sa’kin o mabundol ako ng motor—go lang, universe, take me. Ang daming kotse, ang daming ilaw, pero wala kahit isa na pwedeng tumigil para yakapin ako at sabihing, “It’s going to be okay, Maurice.” Eh paano ba naman kasi, fired ako. Terminated. No more janitress badge. Wala nang access sa pantry. Wala na ‘yong panahong kahit pagod na ako, at least may sweldo akong iuuwi para sa pamilya ko. All because of that demonyitang si Margarita. Eh kasalanan ba ng mapang-asar niyang bibig? Akala niya ba porke’t naka-heels siya at naka-lip tint ng mamahalin ay may karapatan na siyang apihin ako? Pinaglaban ko lang naman ang sarili ko! Pinakita ko lang na hindi ako basta basta na lang aapak

