
"Ang tanga mo naman!" Sabi ng guest sa isang receptionist sa Hotel na si Abby" Hindi mo ba alam kung sino ako rito" seryosong na may pag strict na boses naibinato sa Receptionist ng Hotel na si Abby. nakayukong di mapakali ang dalaga"sorry, sorry po sir.. Hindi po kita napansin" habang pinapagpagan ng kamay ang striktong guest ng hotel." tulog ka pa ata miss.." habang hinakawan naman ang name tag ni Abby. "pasensya na po kayo sir" muling paghingi habang hingal na sinabi ni Abby sa striktong guest.lumapit ang guard ng Hotel sa Dalawa at ang manager " Sorry to disturb you sir.. bakit po anong nanyari sa inyo ng aming employee? magalang na tanong ng manager sa striktong guest. " bakit naman kase tumatangap ang HR nyo ng ganitong kapangit at ka tanga na Receptionist?!, may meeting ako jan sa loob but what do i look like now? f*CK girl!" seryosong sambit ng lalaki sa manager ng hotel. "Please forgive us as well as the hotel sir, I hope we can resolve this as soon as possible" "ok.. ok... but I don't want to see this person again here at the hotel, Claro?""yes sir, sorry sir again. maybe miss Abby can be transferred to another branch sir. as our agreement sir" " ok, basta ayaw ko sya makita rito sa Hotel. tonto!" isang regular client kase ang striktong guest nila Abby malas na araw na ito para sa kanya, lumilipad rin kase ang isip niya ng makita niya ang ex boyfriend niya na si Steve Enriquez ang may ari ng SE construction builders isa itong pinaka malaking company sa Pilipinas. nakita niya habang naka black suit at may pupuntahang meeting sa Hotel na pinag pinapasukan niya, mukhang ang kaharap niya ang ka meeting nito. matangkad na mistisong may edad na lalaki ang nabungo nya kanina sa pasilyo ng hotel. na tinawag siyang tanga. bugtong hininga na lang ang magagawa niya dahil sa ililipat rin agad sya ng manager nila, kesa tangalin siya. dahil isang magandang dalaga naman siya, Morena, matangkad at matalino din. kailangan lang talaga agad nya ng trabaho, may mga pinag aaral kase siya mga kapatid at lahat sila ay nasa kolehiyo na ulila na kase sila sa ama. kaya nag susumikap siya na tulungan ang nanay nya sa trabaho. dahil highschool graduate lang ang mama nito at may idad na, hindi rin makakuha ng magandang trabaho ang mama niya at dahil graduating na siya sa kursong Business Management. ang mga kapatid naman nya ay isang First year at isang third year college sa isang pampublikong unibersidad sa Manila. oo mababa lang ang tuition fee pero tatlo silang nag aaral at sila lang dalawa ni mama nya ang nag hahanap buhay. ang ex nya'ng si Steve ay ahead sa kanya ng tatlong taon. kaya naman ng makita niya ito ay laking hanga niya muli rito. successful businessman na si Steve Enriquez na samantalang siya ay hirap na hirap para makatapos ng pag aaral. isa pa sa iniisip nya ay ang OJT nya kung saang lupalop ba kukuha ng pera pambayad sa OJT. ang sinasahod niya sa Hotel ay kulang pa sa kanilang apat at pambayad ng kuryente't tubig dahil ang sahod ng ina ay sapat lang para sa pagkain araw araw swerte nila bago mamatay ang papa nila ay may bahay na naipundar para matirahan nila ngayon. rumaraket din ang mga kapatid nito na mga lalaki bilang salesboy sa mga bakery minsan ay hardinero sa mga bahay bahay. walang insurance si papa nila kaya naman naging mahirap talaga ito para sa kanila ng mga unang linggo ng pagkamatay ng papa nila. malungkot si Abby na pumunta sa Locker ng mga katulad niya empleyado ng Hotel. napansin siya ng kaibigan nya na si Jane " Abbigail Salvador" pag tawag ni Jane sa kanya at napalingon siya sa gulat. " ikaw naman!, ikaw lang pala yan Jane. hwag mo ako tinatawag na ganon." "bakit? nagulat ba kita?" patanong na naka arko ang isang kilay kay Abby. "oo halos mahulog ang puso ko sa pag tawag mo sakin" "bakit my lungkot yang mukha mo?" habang nakahawak sa Baba ng dalaga at nakasimangot rin. dahil hindi pa niya batid na ililipat ang kaibigan sa ibang branch ng Hotel Kung saan mas malayo sa kanya at sa tirahan nila Abby. at ikinuwento ni Abby ang nanyare sa hallway ng hotel kanina. nakabunguan nya ang sikat na guest na sir Corpuz ang matandang mestiso pero gwapo. at natapunan pa ng isang basong tubig na ihahatid lang naman niya sa isang guest na nag pakuha sa front desk. " kamalas mo nga! sis, ang layo pa naman din ng Second branch ng Hotel na to. nasa tagaytay pa." lalo siyang at nalungkot parang katapusan na ng buhay niya, napabuntong hininga na lang siya at napahampas ang noo. " Jusko! ano ba naman tong pagsubok ko?" "ayos lang yan sis pahiramin na lang muna kita, pe-ro babayaran mo ha?" Sabi ni Jane na ngungumbinsi na mag cheer up muli si Abby di naman kase siya natangal, mahihirapan lang siya sa malayong biyahe at sa pagpasok sa school. Kung di ko lang kase nabuhusan ng tubig supladong matanda na yon di sana magiging misirable ang buhay ko ngayon. lumabas na ng trabaho si Abby ng masilayan din siya ni Steve mula sa bintana ng kanyang sasakyan magbabalik kaya ang tamis ng pagiibigan nila ni Abby???

