Kinabukasan Maaga akong nagpaalam kina mama at papa na pupunta ako sa bahay nina Jade, dahil ngayon namin i-fa-finalize 'yung thesis na ipapasa namin next week. Wala naman 'yun problema sa kanila. Sunday naman ngayon, kaya pahinga nila. Tsaka in-advance na namin kahapon 'yung family bonding namin, kaya pinayagan na rin ako ni papa. Buti na lang nga hinatid na niya ako kina Jade, kung hindi baka 'yung 10:00 am na pagkikita namin, maging alas dose na naman dahil sa traffic. Malayo kasi 'yung bahay ni Jade sa'min. Isa pa, siya yung ginawa naming leader sa thesis na 'to, kaya sa ayaw at sa gusto ng iba...pupunta kaming lahat. Pagdating ko sa tapat ng bahay nila, sakto nando'n si tita Rasha—ang ina ni Jade. Nagwawalis sa kanilang bakuran. "Tita!" tawag ko sa kanya. Napatingin naman siy

